The Pillar
by Pilar Mateo
NEXT WEEK NAMAN pala, lilipad na rin pa-Amerika ang anak ni Martin Nievera na si Robin, na gaya sa anak ni Mr. Pure Energy na si Gabriel eh, doon din daw mag-aaral.
May rock banda rin pala ang anak ni Martin na si Robin, called Wagyu – gaya naman sa anak ni Gary na si Paolo na may Salamin.
Sinorpresa nga ng dalawang tatay ang mga anak nila nang mag-back-to-back ang mga ito sa isang farewell concert ni Robin sa Checkpoint Rock Bar sa Bicutan recently. And afterwards, sama-samang nag-dinner ang dynamic duo with their love ones sa Greenbelt para pag-usapan na rin ang pagsasamahang concert ng dalawa sa pag-uwi naman dito ni Martin uli by September.
Ang mensahe ni ‘Goliath’ sa kanyang anak na si Robin is this: “Robin, before you ‘cross the line’, and say ‘good morning hi5’ to each new day in your journey to the States, look into life’s ‘salamin,’ look through it and feel God’s ‘lovecore.’ And always remember no matter how homesick you are, think of all of us here tonight on your every ‘sleepwalk circus’ and know no matter how far we are, make it or break it, we ‘wagyu’!”
Sa Amerika na kaya magkikita sina Robin at Gabriel to do a collaboration na ikagugulat natin pagbalik nila after ng kanilang studies there?
USO NGAYON ‘YUNG nirerentahan ang mg karaoke rito sa atin. Kasi nga, nabibitbit na lang ito.
At sa Amerika rin daw, dahil nga recession, may ilan pala tayong mga artists na ganyan na ang ginagawa habang naghihintay pa sila ng kanilang gigs, lalo na kung nasa isang lugar ka na puntahan talaga when it comes to entertainment.
Sa isang umpukan, naikuwento ng isang katoto ang naibalita naman sa kanya ng isang kaibigang nasa Amerika at siyang nakakita sa isang beteranong musikero. Na habang wala nga raw shows doon, nag-iikot sa mga caregiving homes at doon nag-e-entertain ng mga pasyente. Bitbit ang kanyang karaoke kinakantahan niya ang karamihang oldies doon at binabayaran daw ito ng $35. Iniikot daw nito ang iba’t ibang caregiving institutions para mas marami nga ang kitain.
Wala namang masama roon. Hanap-buhay pa rin ito.
Asar lang kami, kasi may kunek ito sa isang taong malaki at super-taas ng tingin sa sarili niya. Bakit kaya hindi siya ang mag-produce ng concert para sa mahusay na artist na ito? Magsama kaya sila sa isang concert at baka mas dumami pa ang offers sa kanila roon sa US.
NAIKOT NA NGA nila ang lahat ng Robinson’s Malls and recently, sa Lipa, Batangas at kasunod naman sa Novaliches ang pinuntahan ng SexBomb girls headed by Rochelle Pangilinan para sa promo nila ng “Single Ladies” contest in cooperation with Sony-BMG and Sis.
Sa kabila naman ng mga dapat niyang harapin sa ilang mga unsavory write-ups na patuloy na ginagawa sa kanya ng ilang mga tao, focused pa rin ang manager ng SexBomb na si Joy Cancio sa trabaho. Kahit na pangit na ang mga ipinararating sa kanyang text messages, panulat, at salita ng ilang ga taong nagagalit sa kanya dahil diumano sa mga bagay na hindi niya lang napagbigyan, sinisira na ang kanyang pagkatao. Ang dalas siyang isulat as ‘casino girl’, ha? Alcohol? Tinatawanan na lang niya para raw ‘di pumangit ang araw niya.
Kaya, sa halip na roon niya ituon ang pansin, ‘eto at ‘di natin namamalayang papasok na naman ang susunod na season ng Daisy Siete niya. Kaya, thankful pa rin si Joy at ang kanyang Focus E, Inc. dahil sa malaking tiwalang ibinibigay sa kanila ng mga manonood. At ang SexBomb naman niya eh, patuloy na nagiging modelo at idolo ng mga kabataan.