MASUWERTE KAMI AT isa kami sa mapalad na magkapag-cover ng concert ni Martin Nievera at Side A sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes, November 11, 2011 dubbed as 11-11-11. Punung-puno ang venue at talaga namang ipinamalas ng Side A at ni Martin ang wala pa ring kupas nilang performance sa stage.
Nakaaaliw rin ang isang portion kung saan may Christmas song na inalay sina Martin at Side A na iniba ang lyrics at ginawang mga title o pangalan ng sponsors ng show.
Wala pa ring kupas si Sarah Geronimo sa pagbirit dahil isa nga siya sa mga guests ng show. Applauded pa rin sa audience ang kanyang version ng Bituing Walang Ningning.
The audience went wild naman nang si Anne Curtis na ang sumalang at kinanta niya ang kanyang version ng Alone. Pagkatapos ng kanyang performance, thankful si Anne na nagustuhan ng mga tao at nasabi niya rin ang mga katagang ‘Thank you very much, Araneta!’
Pagkapatapos ng concert, nakapanayam namin si Martin at isa lang ang nasabi niya, sobrang galing ni Anne at pabiro niyang sabi na ayaw na niya itong makasama sa concert sa mga susunod na panahon, dahil daw, “she steals the crowd”. Talaga naman kasing pinalakpakan ang performance ng No Other Woman lead star.
Congrats sa lahat ng bumubuo ng show!!!
BRAVO KAY CHARICE Pempengco dahil tinanghal siya bilang Entertainer of the Year sa 24th Aliw Awards na ginanap noong nakaraang Martes, November 8, 2011 sa Newport Performaing Arts Center sa Resorts World.
Hindi man nakadalo si Charice dahil sa patuloy pa itong nagluluksa sa untimely death ng kanyang ama, masaya namang tinanggap ng kanyang manager na si Grace Mendoza ang para-ngal.
Ani Grace, “Magsisilbi itong inspirasyon kay Charice para lalo pa niyang pagbutihin ang kanyang singing career here and abroad.”
Congrats!
NAGSAMA-SAMA ANG ILANG mga Kapuso at Kapamilya stars sa grand opening ng TJ’s Resto and Bar sa may Sgt. Esguerra corner Scout Bayoran, Quezon City. Ang nasabing resto ay pag-aari ng magaling na actress na si Sylvia Sanchez.
Fusion of great Filipino food at mga mismong luto ni Sylvia ang makakain ng mga food lovers sa kanyang resto. Ipinagmamalaki rin niya ang kanilang own version ng Bagnet, na ipinagmamalaking produkto ng Ilocos Sur at meron na rin ito sa kanyang resto. Kaya du’n sa mga mahihilig sa masasarap na pagkain, punta na kayo sa TJ’s Resto and Bar dahil bukas sila alas-onse ng umaga hanggang alas-tres ng madaling-araw. Congrats, Miss Sylvia!
NAKAKA-PROUD AT NA-FEEL ko ang bayanihan talaga ng mga Pinoy thru online voting at texting dahil wagi ang Puerto Princesa Undergound River (PPUR) at pasok ito sa New 7 Wonders of Nature.
Ito na ang hudyat na lalo pang mag-boom ang tourism industry natin sa bansa dahil tiyak na dodoble o triple pa ang mga bibisitang foreigners sa atin para masulyapan ang ganda ng undergound river sa Palawan. Congrats PPUR!!!
Sure na ‘to
By Arniel Serato