6 Solenn Heussaff Songs to Brighten Up Your Week

Showbiz Blogster

TODAY is Solenn Heussaff’s Birthday! Isa ang Filipina-French beauty sa mga artistang minahal namin hindi lang dahil sa siya’y maganda, sexy at talented – mas bongga ang genuine inner beauty nito!

Unang nakilala ng masa si Solenn Heussaff bilang contestant sa Survivor Philippines, kung saan kinaaliwan ng viewers ang pagiging totoo nito at walang karate-arte sa katawan (kahit pa isa siyang ‘socialite’ at kilalang ex-girlfriend ng isang sikat din na hunk actor).

Solenn Heussaff in ‘Diva’

Nagtuloy-tuloy ang showbiz career ni Solenn nang mapasama sa ilang TV shows ng GMA Kapuso network at mga pelikulang produced ng Regal Films at iba’t ibang indie film outfits.

Alam niyo ba na singer din si Solenn? Sa katunayan, naka-tatlong full albums ito! To brighten up your day and celebrate her first birthday as a hot momma, let me take you in a musical journey – Solenn Heussaff style!


1. FIRE

 

First single from her debut album ‘Solenn’, this is a groovy version of Tracy Chapman’s classic hit. Hot na hot si Solenn sa music video nito na talaga naman will put you in a good mood kapag mapanood mo siya simply having fun! May ilang live performances din si Solenn nito na game na game makipag-jamming at magpakilig ng mga male and female audience! When we kiss… ooohh… FIRE!

2. IT’S OUR FIRST TIME

 

Fan ka ba ni Bruno Mars? Sure na alam na alam mo ang sexy track niya na ‘It’s Our First time’. May sariling version si Solenn na mas sultry siren ang dating. Sa music video na dinirek ni Paul Soriano, leading man niya si Gaz Holgate ng Rugby Team ng Pinas na Philippine Volcanoes. Watch the sizzling music video!

3. DIVA

 

Pang-masa naman na kanta! Maraming pa-diva a.k.a. uma-attitude sa showbiz. Ang ‘Diva’ na yata ang pinaka-novelty song ni Solenn na featured ang rapper na si Ron Henley. Fun and quirky ang music video nito na nagpapakita ng kalog side ng ating lovable SOS!

4. UNTIL THE SUNRISE

 

Ito ang pinakapaborito kong kanta sa listahang ito. ‘Until the Sunrise’ is an original duet song with The Morning Episodes para sa mala-Bollywood film na pinagbidahan nina Solenn Heussaff at Kiko Matos na ‘Mumbai Love’. This could’ve been a bigger hit and this is one of our favorite feel-good, hopeful tracks.

5. SEAGULLS

 

Nagbida si Solenn Heussaff kasama sina Rocco Nacino, Mara Lopez at marami pang iba sa ‘Flotsam’ na shinoot sa isang sikat na hostel sa La Union. Pinerform at nirecord ni Solenn ang ‘Seagulls’ na nagviral noong panahon na prinopromote ang pelikula.

6. A POCKETFUL OF PROMISES

 

Last but not the least is the first single from Solenn’s third album. ‘A Pocketful of Promises’ might contain heartbreaking lyrics, pero soothing ang boses ni Solenn at composition ng music na puwedeng-puwede kung trip mo mag-emote while driving, cleaning your house or while appreciating the art of doing nothing at home. Todo emote si Solenn sa music video nito kahit pa alam natin na naging smooth-sailing naman ang love story nila ng ngayo’y butihing asawa na si Nico Bolzico.

Ngayon na ang papel bilang isang ina at asawa na ang ginagampanan ni Solenn, she remains a ray of sunlight lalo na tuwing siya’y may social media update o bagong vlog sa YouTube. Para ngang walang negativity sa katawan ang babaeng ito kaya naman love na love namin siya!

Maliban sa mga kantang nabanggit, marami rin itong dance tracks sa kanyang albums tulad ng version niya ng All I Wanna Do, Love Flows Down, Chasing The Sun, Stereo Love, All I Have to Give, Cry Me a River, Selfish, Torn, Sunshine at Ladies Night. O ‘diva, ang dami kong alam? Haha!

To Solenn, we wish you a happy, happy, happy birthday! Miss ko na ang dance tunes mo at sabik na kami sa iyong comeback! S’yempre, priority muna si bagets so have fun and stay happy!

Previous article#BitoyStories : Michael V. positibo sa Covid-19
Next articleVLOG WATCH: Ang Nakakatakam na Breakfast Mukbang ni Kim Domingo!

No posts to display