HABANG PINAGMAMASDAN ko noong Lunes sa senado ang mukha ni Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. na nagbibigay ng halos kalaha-ting oras na oral argument sa CJ Corona Impeachment Trial ay hindi maiwasang mapahanga tayo.
Dahil mababanaag mo sa kanya ang hilatsa ng isang tipikal na Huwan Dela Cruz na naghahanap ng katarungan. ‘Ika nga eh, taos-pusong naninikluhod ito sa mga senator-judge na i-convict si Corona.
Ayon kay Rep.Tupas, dapat lang na mabigyang hustisya ang sambayanang Pilipino hinggil sa umano’y mga katiwalian ni Corona.
Dapat lang naman talaga, parekoy, na ang bawat mamamayang Pilipino ay magkaroon ng malasakit sa ating bansa. Lalo na sa integridad ng mga opisyal ng gobyerno.
Kaya naman dahil sa kanyang pagiging makabayan kaya ilibs na ilibs talaga tayo rito kay Rep. Tupas.
Aba eh, ilan na nga lang kaya nga-yon ang kagaya ni Tupas na ni minsan ay hindi nangurakot? Ilan na lang kaya sa mga kalahi ni Tupas ang hindi nanloloko sa pagsusumite ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth?
Ilan na lang kaya ang opisyal ng pamahalaan ang gaya ni Tupas na talagang ayaw sumawsaw sa anumang katiwalian?
Siyanga pala, aydul Tupas, kumusta na nga pala ang “bigtime Korean fugitive” na si Ma Yoon Sik?
Ayon kasi kay Bureau of Immigration (BI) Intelligence Chief Atty. Antonette Mangrubang, noong 2008 ay hinuli sa lalawigan ng Cavite ang “wanted” sa Korea na si Ma Yoon Sik bunsod na rin sa kahilingan mismo ng Korean government.
Ang nasabing “bigtime fugitive” ay sandamakmak ang dolyares na niloko niya sa kanyang mga kababayan.
Uulitin ko, parekoy, sandamakmak ang dolyares ni Ma Yoon Sik.
Ayon pa rin kay Atty. Mangrubang, ang nasabing “bigtime na manlolokong Koreano” ay may mga padrinong namamagitan dito sa Pinas. Bilang patunay aniya, mismong si Rep. Neil Tupas, Jr. ang sumulat noong Pebrero 2010 sa noo’y BID Commissioner na si Marcelino Libanan.
Ayon umano sa sulat ni Tupas, hinihiling nito na ang nasabing “bigtime Korean fugitive” na si Ma Yoon Sik ay palayain sa ilalim ng kanyang (Tupas) recognizance. Sa wikang tagalong, nasa kustodiya ni Rep. Tupas!
Ang tanong ko lang kay, Rep. Tupas, kaanu-ano mo ba ang nasabing “wanted” na may sandamakmak na dolyares? Bakit ganu’n na lang ang pagmamalasakit mo?
Hindi ka kaya naambunan, sir, sa napakaraming dolyares ni Ma Yoon Sik? Sakali lang sir, nasa SALN mo rin kaya ito? He, he, he.
Kung sakali mang “purely” tulong lang talaga ang sa iyo sir, ilang “wanted” na foreigner na kaya ang natulungan mo? O nailagay sa iyong recognizance?
May “wanted” na Pinoy kaya na nai-lagay na rin sa kustodiya ni Rep. Tupas?
Sa tingin ko lang… wala pa! Bakit kanyo? Eh, may dolyares rin ba sila? Hak, hak, hak… tiyak wala, p’we!!!
Makinig sa ALARMA Kinse Trenta sa DZME 1530kHz, 6-7 a.m., Lunes-Biyernes. May live streaming sa www.dzme1530.com. Ipaabot ang anumang reaksiyon sa [email protected]; CP no. 09098992775/ 09166951891.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303