TAPOS NA ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, pero hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang higanteng wedding cakes na umagaw ng attention all-over the world.
Na-feature pa raw ito sa US show na Good Morning America ng ABC News na pati sila ay namangha sa 12 foot-five-tiered 3D wedding cakes. Nabalita rin raw ito sa isang Mirror broadsheet UK na may headline na: “Is this the world’s biggest wedding cakes?” Sa article ay nakasaad na “It’s the size of a fully grown human and it took 10 people to transport it to the wedding venue.”
Pati tuloy ang Goldilocks na gumawa ng cakes na inabot raw ng isang buwan bago natapos ang 12 foot wedding cakes ay nasa limelight ngayon. We heard, kung totoo na worth daw ng amazing cakes ay P7-M.
Anyway, tulad ng aming inaasahan ay dinagsa ng batikos sa social media ang bagong kasal na wedding cakes pa lang ay gumastos ng million samantalang maraming kababayan natin ang naghihirap.
Pagtatanggol naman ng DongYan fanatics.Wala raw karapatang kuwestiyunin ang nagastos ni Dingdong dahil lahat ng ginastos sa kasal ay pinaghirapan, pinag-ipunan at pinagtrabahuhan ang perang ginastos sa kasal. In short, sariling pera ‘yun ni Dong at hindi ninakaw sa taumbayan dahil hindi naman daw ito isang pulitiko.
Buti na lang hindi pa kumakandidatong senador si Dong. Kung nagkataon na nanalo ito at isa nang ganap na senador ay siguradong pagbibintangan itong ginamit ang pera ng bayan.
Ang tanong, ngayong mag-asawa na sina Dong at Marian. Hindi kaya maapektuhan ang kasikatang tinatamasa nila ngayon sa showbiz?
‘Di ba, kapag ang isang artista na iniidolo ay nag-asawa na ay nababawasan na rin ang kanyang kasikatan? At kung minamalas-malas pa talaga ay tuluyan nang babagsak ang showbiz career nito?
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo