Yes, 8 long hours! Keri mong manood ng isang pelikula tulad ng obra ni Lav Diaz na “Hele sa Hiwagang Hapis” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz?
Sa promo ng Star Cinema at ABS-CBN na lumalabas sa Kapamilya Network shows; some of the stars who are willing to take the 8 hours (ganun kahaba ang pelikula, pero with 3 jingle breaks) like Billy Crawford, Kim Chiu and Xian Lim, Anne Curtis, Pokwang, and Melai Cantiveros at kung sinu-sino pa, seryoso kaya sila sa challenge or eklat lang?
Ako, mahilig akong manood ng pelikula. Ang maximum dosage ko kumbaga ay hanggang dalawang movies lang na magkasunod, pero dapat may 1 hour break for my meal. Kung masusundan ang pangalawang movie at maging tatlo, asahan mo, malamang ay makatutulog ako sa kalagitnaan ng pangatlong pelikula na pinanonood ko at siguradong hilo na ako sa paglabas ko ng sinehan.
I just don’t know kung mapangangatawan ko ang pelikula na pinalakpakan ng mga kritiko sa Berlin International Film Festival kamakailan.
Bilang Pinoy, gusto kong malaman ang kasaysayan ng Pilipinas. Gusto ko ring malaman ang mga lihim na nakatago sa kasaysayan ng Pilipinas kong mahal.
Sa Glorietta sa Makati, ang ticket price ng “Hele sa Hiwagang Hapis” is P500. May kamahalan din. Presyo ng dalawang regular movies.
Tama ba, makikipagsabayan ang “Hele sa Hiwagang Hapis” sa pelikulang “Superman versus Batman” sa Sabado de Gloria (March 26)?
Reyted K
By RK VillaCorta