ANNE CURTIS is one of the Philippines’ favorite movie actresses of all-time. Nag-umpisa bilang pre-teen actress ng Viva nang magbida ito sa children’s fantasy film na Magic Kingdom 2, napanood natin ang pag-unlad ng karera ng Fil-Australian actress na pumukaw sa ating puso.
Sa mga hindi nakakaalam, matagal-tagal na rin sa showbiz si Anne Curtis bago nito nakuha ang biggest break niya nang lumipat ito sa ABS-CBN para gawin ang teleseryeng Hiram with Heart Evangelista and Kris Aquino at eventually ay pinili na magbida sa top-rating fantaserye na Kampanerang Kuba. Mula noon ay mas sineryoso na si Anne bilang isang actress and entertainer. For years ay palaging support roles o ‘almost there’ ang pagrurok ng kanyang showbiz career. Ngayon, isa na siya sa pinaka-tinitingalang artista ng ating bansa.
Sa ngayon ay naka-maternity leave pa rin si Anne Curtis at nilulubos ang kanyang latest achievement – becoming a mother to the lovely Baby Girl Dahlia Amelie na ngayon pa lang ay love na love na ng mga netizens.
Ngayon na matagal-tagal mawawala si Anne Curtis sa paggawa ng movie, masuwerte tayo dahil mapapanood natin ang walo sa box-office and critically-acclaimed films ng nag-iisang dyosa sa Netflix! Sa lawak ng filmography ni Anne ay meron siyang action, horror, suspense, sexy-drama, dark comedy and of course, romance-comedy!
Here are 8 Anne Curtis Movies That You Can Watch on Netflix!
- No Other Woman
Starring: Derek Ramsay, Cristine Reyes and Anne Curtis
Ang pelikulang nag-umpisa ng infidelity trend sa Pilipinas! 2010 was a good year for Anne Curtis dahil pinag-usapan ang controversial threesome of a film nila nina Derek Ramsay at Cristine Reyes na ‘No Other Woman’. Sa katunayan, ang pelikulang ito kung saan mas pinili ni Anne na gawin ang papel ng kabit made not only her but all the lead stars as competent box-office superstars. Dito nag-umpisa ang pagre-reyna ni Anne sa pagiging movie queen at masasabi natin na worth it ang risk niya sa pagpapasexy at pagganap sa isang mapangahas na papel.
- Buy Bust
Starring: Anne Curtis, Brandon Vera, Victor Neri and more
Isang kakaibang Anne Curtis naman ang bumulaga sa Buy Bust ni Erik Matti. Kung sanay tayo na mapanood si Anne na pa-sweet o pa-sexy sa kanyang mga projects, this time ay ang pagiging action star naman ang kinarir niya. This film will keep you in the edge of your seats at kung bakbakan lang naman ang trip mo, ito ang pelikula para sa’yo!
- Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!
Starring: Dennis Trillo, Paolo Ballesteros and Anne Curtis
Now let’s proceed to something happy and gay!
For the first time ay nakasama ni Anne Curtis sa isang pelikula ang Kapuso top male stars na sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros. Riot ang romance-comedy film na ito ni Jun Robles Lana dahil talagang naging all-out si Anne sa pagiging ‘fag hag’ at surprising din ang chemistry nila ni Dennis Trillo. Nakakakilig ang mga eksena nila at genuine din ang reaction ni Anne sa mga eksena nila. S’yempre, aurang-aura din sa Paolo Ballesteros, huh! Salamat sa Viva Films for making this film possible!
- A Secret Affair
Starring: Derek Ramsay, Andi Eigenmann and Anne CurtisBalik tayo sa kabitan! This time, si Anne Curtis naman ang ‘legal’ habang si Andi Eigenmann naman ang ‘The Other Woman’… nga ba? Hindi man ito kasing memorable ng No Other Woman, worth it pa rin ito panoorin lalo na kung fan ka ng tatlong bida.
- Aurora
Starring: Anne Curtis and Marco Gumabao
So, psychological-thriller ang hanap mo? Meron si Anne nyan!
Ang 2018 Metro Manila Film Festival film na Aurora ay kinunan sa Batanes. Sa totoo lang, hindi pa namin ito napapanood because we’re scaredy cats! Isa ito sa mga unang Pinoy film na in-acquire ng Netflix para sa kanilang catalogue and we guess there’s a good reason why.
- The Gifted
Starring: Sam Milby, Cristine Reyes and Anne Curtis
Reunited ang ‘onscreen frenemies’ na sina Anne Curtis at Cristine Reyes sa ‘The Gifted’! Bonus pa na ang lalaking pumagitna sa friendship nilang dalawa ay ang ex-boyfriend ni Anne na si Sam Milby!
Nakakaaliw ang pelikulang ito dahil maliban sa kilig at tarayan ay ipinakita rin dito ang value ng true friendship at hindi dapat tayo nambu-bully! Love yourself!
- Sid & Aya
Starring: Dingdong Dantes and Anne Curtis
Irene Villamor’s Sid & Aya marks as a reunion project for TGIS graduates Dingdong Dantes and Anne Curtis. Set in Japan and Makati, kakaibang kuwento ito ng dalawang tao na mga ‘ogag’. Is this a love story or not? Kayo na lang ang humusga! Para sa amin, ang chemistry ng DongAnne makes this worth watching plus makaka-relate ka kung takot ka mag-commit, mahilig ka magyosi o ikaw ay insomniac.
- Just a Stranger
Starring Anne Curtis, Marco Gumabao and Edu Manzano
Last but not the least is the latest sexy-drama film of Anne Curtis na ‘Just a Stranger’ na kinunan pa sa Portugal ang ilang eksena. Dito ay itinambal siya sa much younger leading man (Marco Gumabao) at todo-bigay ang dalawa sa kanilang love scenes. Maliban dito ay pinaiyak ni Anne ang mga madlang pipol na nakanood dahil sa effective portrayal nito. Bongga!
Whew! Nakakamiss talaga si Anne Curtis pero happy kami dahil ngayon ay nae-enjoy na niya ang buhay mamshie. With an impressive filmography to boot, Anne Curtis surely made a mark in Philippine cinema at sure na box-office hit ang kanyang comeback film.
Alin sa mga pelikulang ito ang napanood mon a o trip mong panoorin? Have a fANNEtastic time!