KAHIT NINE years nang magka-relasyon ang magaling na character actress at isa sa casts ng indie film na Migrante na si Chynna Ortaleza, at boyfriend nitong si Railey Valeroso, wala pa rin daw balak ang mga itong lumagay sa tahimik.
Tsika nga ni Chynna, wala naman daw sa tagal ng relasyon ang paglagay sa tahimik. Mas maganda raw kasing pareho na silang ready – physically, mentally at financially – bago mag-pakasal.
Pero aminado naman daw si Chynna na napapadapo na sa usapan nila ni Railey ang pagpapakasal at pagkakaroon ng pamilya. Kung ito nga raw ang masusunod, dalawang anak lang ang gusto niya, pero si Railey raw ay tatlo ang gustong maging supling.
Dagdag pa nito na sa kanilang 9 na taong relasyon ay binabalik-balikan pa rin nila ‘yung unang nagkakilala sila, dahil isa raw ito sa nagpapatibay ng kanilang pagsasama. Dahil dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan at everytime daw na napag-uusapan nila ito ay may kilig pa rin silang nararamdamang dalawa.
HINDI DAW naghihinanakit ang GMA Artist Center star na si Ryza Cenon kung sakali mang wala pa siyang follow-up show after ng Legacy. Ayon sa sexy at magandang young star, katatapos pa lang naman daw ng kanyang show, kaya naman okey lang sa kanya kung wala pa itong kasunod.
Alam naman daw nitong hindi siya pababayaan ng GMA-7 at bibigyan siya muli ng magandang proyekto, katulad ng mga proyektong ibinigay sa kanya. Meron pa naman daw siyang Party Pilipinas, every Sunday, kaya naman daw hindi siya nababakante.
Kahit nga raw support roles ang na-pupunta sa kanya ngayon, okey lang kay Ryza, dahil ang mahalaga ay meron siyang trabaho at nagagampanan niya ito nang buong husay at higit sa lahat ay hindi siya nababakante.
At kahit nga marami ang nagsasabing pang-FHM na ang magandang hubog ng katawan nito, wala pa rin daw balak si Ryza na sumabak bilang cover girl ng ano mang babasahing panlalaki. Siguro raw ay may right time para rito, ‘pag alam na niyang handa na ang kanyang katawan at isipan, baka raw mapa-oo na siyang mag-pose ng sexy sa men’s magazine, kung saan dagsa na ang offer sa kanya sa ngayon at tanging ang ‘oo’ na lang nito ang hinihintay.
MAGKAKAROON PALA ng Reunion ang sumikat noong boyband, ang Jeremiah, na nagpasikat ng awiting ‘Nanghihinayang’, kung saan darating daw ng bansa ang actor/singer na naging miyembro nito na si Symon Soler na matagal nang namamalagi sa Amerika.
Ayon nga kay Piwee Polintan (member ng Jeremiah), tatlo lang daw sila nina Symon at Troy na magre-reunion ngayon, dahil nasa Amerika pa si Olan na doon na rin nagtatrabaho.
Dagdag pa ni Piwee, magkakaroon sila ng concert sa Infinity sa Makati sa July 29, at magkakaroon din sila ng guestings sa iba’t ibang shows para i-promote ang kanilang reunion concert.
At next year naman daw, magkakaroon sila ng US tour kung saan buo na silang Jeremiah ang mapapanood ng ating mga kababayang nagtatrabaho at naninirahan na sa Amerika.
NAG-UUMAPAW NA saya ang laging hatid ng Ha-ha-happy Sunday comedy block ng TV5 for the whole family. Dahil from 11:30 a.m. na gag show na Lokomoko at susundan sa 12 noon ng Game ’n Go nina Joey de Leon, Edu Manzano, Arnell Ignacio, Shalani Soledad-Romulo, Daniel Matsunaga at Gelli de Belen, panghuli naman ang Kapitan Awesome, tampok sina Andrew E., Empoy at Martin Escudero.
Kung gustong matawa at maging stress-free every Sunday, tumutok sa mga nabanggit na shows ng TV5.
John’s Point
by John Fontanilla