PINAG-UUSAPAN NA nga nang husto ang batang gumaganap bilang Agua Bendita sa Kapamilya network. Actually, sinasabi nilang totoo ang isinulat natin noong Miyerkules na matutuluyan yata ang tampo ng mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann. Kinumpirma nilang mae-extend talaga ang paglabas ng batang Xyriel Ann Manabay pala ang screen at real name sa nasabing fantaserye.
Buong akala ng madlang pipol ay siya si Andi Eigenmann na nasa title role. Hindi kasi masyadong nabigyan ng exposure ang dalaga ni Jaclyn nitong mga nakaraang araw. Ganu’n din ang bata. Kaya, inakala ng mga manonood ng “Agua…” na si Andi na nga itong bata.
Nakatatawang, nakaiinis, pero mas marami ang nagsasabing, nakababaliw rin para kay Jaclyn at lalo na kay Andi ang pangyayaring ito.
Idinagdag pa ng aming source na naiintindihan nila ang nararamdaman ng dalagang si Andi. Pero, talagang ganyan ang showbiz. Ngayon pa ba naman iiksian ang appearance ng bata, samantalang umaarangkada ang ratings ng Agua?
Galing pala ang batang ito sa Search for a Big Star ng pang-umagang programa noon nina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas, ang Ruffa & Ai. Hindi daw nanalo ang batang si Xyriel, pero natandaan ng mga executive ng Dos ang husay ng batang babae.
Hayun, tinawagan, in-audition at simbilis ng kidlat na naging batang Agua at Bendita na siya.
Ang big winner ng Ruffa & Ai search na iyon ay si Bugoy o Kyle sa tunay na buhay (Naku, ha?! Hindi ko matandaan as we write ang kanyang family name). Basta, kasama na siya ngayon sa Goin’ Bulilit na napapanood tuwing Linggo, bago mag-Sharon.
Madalas na ring mag-guest si Bugoy sa Sharon, Agimat series at iba pa. Mas bagay raw siyang tawaging Kyle. Ipa-ubaya na raw kay Bugoy ng PDA (Pinoy Dream Academy) ang screen name na iyon.
Ibig sabihin ng inyong lingkod ay si Bugoy na recording artist na ngayon na nag-hit pa ang Paano Na Kaya? single. Kaya nga, ginawang title ng pelikula nina Kim Chiu at Gerard Anderson na naging malaking hit din sa takilya nitong nakaraang buwan, bago ipalabas ang Miss You Like Crazy nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Dahil sa suwerteng dala ni Lorie (ng Star Cinema), tipak na tipak ang reunion movie ng Lloydie- Bea tandem. Palakpakan!
Nalerky na ako, ha! (Pahiram kay Swarding.)
Kung sinasabing sa April 7 pa lalabas ang dalagang Agua at Bendita, posible rin daw na mauunsyami pa rin ang dalaga ni Jaclyn. Hindi na ngayon alam kung matutuloy ito o i-extend pa for the 2nd time ang appearance ng batang si Xyriel.
Actually, isa pang batang lalaki na mula rin sa Ruffa & Ai search ang magbi-bida rin sa remake ng Kokey!
Hindi pa puwedeng i-reveal ang name ng bata, dahil hindi pa nahihimasmasan ang mga taong nasa likod ng Agua Bendita. Nalulunod pa sila sa labis-labis na kaligayahan.
ISA PANG SHOCKER na ayaw ko rin sanang isulat ay ang pagpirma raw ni Ruffa Gutierrez ng kontrata sa Chan. 5. Nangangahulugan ba itong aalis na siya sa Kapamilya network?
Huwag naman sana.
Pinapanay-panay ko na kasi ang tawag at text kay Ruffa para alamin ang kanyang sagot, pero wa sagot o reply.
Kinukulit ko rin si Jun Lalin, PR MAN ng mga Gutierrez, pero ang reply niya ay nasa abroad daw siya, sa New york. Pero, hindi sinagot ang tanong.
Sinusubukan ko ring i-text ang kumareng Annabelle (Rama), pero tulad ni Ruffa at Jun Lalin, wa ring reply.
More than a week ago, nagkita kami ni Annabelle sa presscon ng Panday Kids. Pareho kaming masayang-masaya dahil sa napakagandang break ni JC de Vera sa obra ni Carlo J Caparas. Tiyak ‘ikakong, magtutuluy-tuloy na ang pangarap niyang maging big star na rin ang alaga.
Maghihintay-hintay na lang ako bago ko sundan ang scoop na ito.
BULL Chit!
by Chit Ramos