NAKALULUNGKOT ISIPIN ang pangyayari sa dalagitang estudyante ng UP Manila na si Kristel Tejada, freshman at nasa kursong Behavioral Science. Siya ay nagpasyang bawiin ang kanyang buhay nitong Marso 15, Biyernes, sa kanilang bahay sa Tondo, sa pamamgitan ng pag-inom ng jewelry cleaning agent matapos na hindi ito makapagbayad sa takdang petsa ng bayaran ng matrikula nitong second semester.
Bago pa man ang pagpapakamatay ni Kristel ay naulat na noong first semester din ay ilang ulit itong nakiusap ng extension sa pagbabayad ng matrikula na kalaunan ay nabayaran din naman. Ang concern ng batang dalaga ay makapag-aral at makapagtapos kaya para sa kanya, isang malaking
kabiguan.
Pagkatapos magpa-register bilang isang enrollee at ‘di makaabot sa cut-off ng final day ng enrollment siya ay inabisuhan na mag-file ng leave of absence kasabay ng pagkumpiska ng school ID dahil sa naturang school policy.
Kahit na pinagkaitan siya ng karapatan upang maging officially enrolled ay nagpasya pa rin itong pumasok, gumagawa ng homeworks at projects.
Gayon na lamang ang himutok ng magulang ni Kristel. Naging sentro ang pangyayari ng mga balita at tila nayanig ang pamunuan ng UP Manila campus sa pamumuno ni Dr. Manuel Agulto at Vice Chancelor Josephine de Luna.
Kasabay nito ang pagpoprotesta ng mga estudyante sa kanilang nararamdamang galit at pakikiisa. Nagsabit sila ng itim na ribbon at tinakpan nila ng itim na tela ang bawat oblation statues sa lahat ng UP campuses. Naniniwala ang mga estudyanteng ito na hindi makatao ang nasabing mga polisiya ng pangunahing unibersidad ng bansa lalo na at sila ay binansagang mga “iskolar ng bayan”.
Samantala, nagpasya ang
pamunuan ng UP na humingi ng permiso sa mga magulang ni Kristel na ilagak ang labi nito sa campus at sa Philippine General Hospital chapel upang ipagluksa at magdaos ng misa ukol sa pangyayari.
Tila nabuksan ang isipan ng UP administration sa insidenteng ito. Sila ay nagpasya na isulong ang no payment policy na nangangahulugang ‘di na rin basta problema kung ang estuyante man ay nahihirapang magbayad sa kanyang tuition.
Ang layunin ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad, publiko man o pribado ay maghubog at maglinang ng kaisipan ng mga mag-aaral nito upang balang araw, gamit ang sandatang edukasyon laban sa kahirapan ay makatulong naman sila sa pagpapaunlad ng ating bansa.
Bilang mga opisyales naman ng nasabing unibersidad ay may responsibilidad silang dapat sundin at panghawakan bagama’t minsan ay alinsunnod lamang sa school directives ang kani-lang mga naturang desisyon. Magkaiba ang “law at compassion”, nawa ay maging mabubuti tayong mamamayan at laging isa alang-alang ang mga naturang pag-asa ng bayan. Sa bandang huli, ang last call ng desisyon ay ang mga pamunuan pa rin ng UP, bagama’t malamang ay hindi nila ito inaasahang mangyayari sa dalagita.
Ayon sa mga datos, hindi lamang isolated case ang pagpapakamatay ni Kristel Tejada. Marami narin ang naganap na ganito dahil sa kagustuhang makapag-aral subalit walang magawa kaya pinanghinaan ng loob. Siguro panahon na para maging ang mga batang nagkakaroon ng financial depression sa pag-aaral ay bigyan ng counselling program ng bawat eskwelahang sumasakop rito upang ‘di na madagdagan pa ang bilang ng mga biktima. Marahil din naman, ipit lamang nga ang pamunuan ng UP sa naturang budget pang-edukasyon, gaya rin ng mga sinanga-ayunan ng iba pang mga grupo at kongresista kaya sila ay naghuhugas-kamay sa pangyayari. Pero sa huli, hindi lamang ang pamilya ni Kristel ang talo rito, kundi ang pamunuan ng UP na inaakusahan na walang awa at puso sa mga batang nais magkaroon ng pribilehiyong makapag-aral. Nasasalamin dito na hindi lamang ang kahirapan, kundi ang kawalang aksyon at pag- aasikaso, sistemang dapat baguhin at pagtuunang pansin hindi lamang ng UP kundi pati ng kasalukuyang pamahalaan.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: e-mail. [email protected]; cp#. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia