NAKABIBILIB ANG pagiging kalmado ng Star Magic talent na si Aaron Villaflor dahil kahit na nasaktan sa ginawang pananapak ng kapwa niya Star Magic talent na si Matt Evans habang nakatalikod siya. Wala man lamang kaming nabasa o narinig na salita, nagkuwento o nagpa-interview ito para ipagtanggol ang kanyang sarili.
Tanging si Matt Evans lang ang kuda nang kuda at super explain sa nangyari. Pero ayon na rin sa mga nakasaksi, si Matt ang unang nanapak sa mabait at tahimik lang na si Aaron habang nakatalikod ito.
Mas pinili na lang daw ng PMPC Star Awards for Television Best Single Performance By An actor last year na mas manahimik na lang para hindi na lumaki pa ang nasabing issue, lalo na’t pareho silang nasa pangangalaga ng Star Magic at ABS-CBN.
German Moreno, pinangunahan ang Promenade Christmas Lighting
NAGING MATAGUMPAY ang Christmas Lighting ng Promenade Greenhills na ginanap noong Sabado, Nov. 29, sa pangunguna ng nag-iisang Master Showman na si German Moreno at ni Ms. Malou ng Promenade.
Ilan sa mga Kapuso stars ang naging kasama ni Kuya Germs sa nasabing Christmas Lighting at sila ay sina Julie Anne San Jose, Prince Villanueva, Ken Chan, at Hiro Magalona Peralta.
Magagandang pelikula ang hatid ng New Wave Section ng MMFF 2014!
NAGAGANDAHANG PELIKULA ang pumasok sa 2014 Metro Manill Film Festival New Wave Section mula sa independent, student filmmakers at animators. Ang mga ito ay mapapanood sa Glorietta 4 at SM Megamall Cinemas simula Dec. 17 to 24, 2014.
Ang mga Finalists sa Full Feature ay ang Gemini ng Black Swan Pictures ni Ato Bautista, M. (Mother’s Maiden Name) ng Eight Films ni Zig Dulay, Magkakabaung (The Coffin Maker) ng Ato Entertainemnt Productions ni Jason Paul Laxamana, Maratabat (Pride and Honor) ng Blank Pages Production ni Arlyn Dela Cruz, at Mulat ng DVeut Productions ni Ma. Diane Ventura.
Habang ang mga finalists naman sa Student Short Films ay ang Kalaw ng Asia Facific Film Institute, Kubli ng Far Eastern University, Siyanawa ng Southern Luzon State University (Main Campus), Bimyana ng De La Salle – College of St. Benilde, Ang Soltera ng Dela Salle Lipa at ang Bundok Chubibo ng University of the Philippines.
Samantalang ang mga masuwerteng nakapasok sa Animation Category ay ang An Maogmang Lugar ng Ateneo De Naga University, Cherry ng Yawp! Studio, Gymsnatch ng School of Design and Arts, College of St. Benilde, Isip Bata ng Alibata Productions, at Shifter ni Jerico Valentino C. Fuentes.
John’s Point
by John Fontanilla