ITO ANG ikalawang bahagi ng aking panayam sa isa sa mga katangi-tanging personalidad sa larangan ng showbiz, walang iba kundi ang walang kaantok-antok at ang walang tulugang si Master Showman Kuya Germs Moreno.
Inintriga ko siya nang kaunti upang magkaanghang ang ating panayam.
Ah, itong si Shalala, nagkaroon ba kayo ng tampuhan? Matunog na sagot ni Kuya Germs, “Ah… alam mo kapag binibigyan ka ng pagkakataon at naakit ka ng iba at medyo humiwalay sa ‘yo, eh.”
Nagkakaroon ka ba ng sintemyento dahil higit ikaw ang naging pasimuno ng kanyang karera? “Eh, siyempre dahil ako naman ay pusong mamon. Eh, madali mo naman siyang mapapatawad.”
Mahusay ang team-up ninyo pero tama ‘yun kayo ang nagpasimula ng career niya. Halatang-halata kapag napapanood ko kayo. “Ah, karanasan ‘yan. That’s showbiz life, ang sabi nga.”
Noong nakaraang pumanaw na si Lito Calzado, sino na ang direktor ninyo ngayon? “Meron nang in-assign ang management. So, hindi naman kami ‘yung parang hahanapin ‘yun (kapalit), nasa management.”
Kumusta ano na po ang posis-yon ninyo ngayon sa GMA? “Consultant ako ng GMA, ‘yun ang aking position. And they respect me kaya nandirito pa rin ako ngayon.”
Ah, Kuya Germs, ‘di ko alam kung may asawa ka o may anak ka, kumusta pala? “Me anak ako isa, si Federico, at may apo ako apat; isang babae at tatlong lalaki at ‘yung manugang ko. Kung sa asawa eh, I was a victim of a broken family. Marami tayong experiences pe-ro dumarating talaga ang first love…”
Ah, sige Kuya Germs noong bata ka pa, paano ka manligaw? “’Wag na nating balikan, maaano lang ako…”
Ayon sa kanya, mayroon siyang lalabas na coffeetable book na may kasamang DVD about his 50 years sa kanyang showbiz life at dugtong pa niya sa akin, doon mababasa natin ang iba pang mga kuwento ng kanyang talambuhay at bi-lang pagiging artista. Gayon na rin ang pasasalamat niya sa akin dahil aniya ay tinututukan ko ang kanyang kuwento, ng isang katulad niya. “Nagpapauna na ako ng taos-pusong pasasalamat at pinuntahan mo ako dito at tinutukan mo ang buhay ng isang Kuya Germs, at ano ang nagawa ng isang Kuya Germs. Hindi naman tayo perpekto, marami rin tayong pagkakamali at naniniwala ako na hindi naman ako tatagal nang ganito kung hindi ko ipinakita ang mga natutuhan ko at dapat kong gawin din sa iba.”
Ah, Kuya Germs ano nga pala ang awards ninyo ngayon? “Ah, Star Awards yata ang magbibigay sa akin ng award. Ah, mga October pa yata.”
Ah, si Nora Aunor, Kuya Germs, kasi under kayo ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino, nabigyan na ba natin si Nora? “Ah, sa Walk of Fame, meron na.”
Pagdating ng araw payag ka rin ba na bigyan siya ng pagkilala? “Bilang National Artist? Siguro naman, ‘noh?”
Dapat din ikaw, bigyan ng pagkilala. “Kung darating, darating
‘yan. Pero kung magpupumilit ka, ‘wag na lang. Kung nararapat ibigay… ibigay. Nasa kanila ang desisyon.”
Eh, ‘di na rin karaniwan ‘yung katulad n’yo. “Eh, ang dami ko nang natanggap na awards.”
Eh, baka nga ‘di na mabilang? “Eh, hindi naman lahat. Pero siguro makikita mo ang tao, sa selebras-yon ko ng 50 years at nakahilera lahat ng awards.”
Sa aking mga panayam sa mga kilalang personalidad sa showbiz at lipunan, naniniwala akong malaki ang naiaambag nito sa mga mambabasa upang mas makilala nila nang malapitan ang kanilang mga hinaha-ngaang personalidad sa kanilang tunay na buhay.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]
For comments and suggestions, e-mail: [email protected] and/ or [email protected].
ni Maestro Orobia.