[nggallery id=32]
WHOA! KAMAKAILAN lamang ay isa tayo sa naimbitahan upang ma-interview ang seryoso at magaling na aktor na si Rocco Nacino. Siya ay gumanap sa indie-film na pinamagatang Biag ni Lam-ang. Nakabahag siya rito bilang pagganap sa folk-hero na si Lam-Ang at siyempre litaw ang kanyang pige rito bilang part ng costume design.
Nak’s, naalala ko tuloy ang Banawe nina Nora Aunor at Christopher de Leon at Machete ni Cesar Montano. Haha! Tila mahusay ang pagkadirek ni Anna Abagin. Ang leading lady ni Rocco ay siyempre ang isa sa mga ‘awww’ Sexbomb na si Rochelle Pangilinan bilang Saridandan. Tila inspired itong si Rocco sa bago niyang project na ginawa mismo sa Ilocos Sur, sa parteng highlands. Ayon pa sa kanya, talagang pinagtiyagaan niya ang matuto ng arnis at iba’t ibang pang martial arts.
Wow, huh! Tiyak na kakaiba ang indie na ito, isang epiko tungkol sa buhay ng isang matapang at malakas na mandirigmang Ilokano. Buong ipinagmamalaki niya ang kanyang martial arts training dahil sa project na ito, na kaya kahit minsan, nagkakaroon man daw siya ng mga pasa ay hindi niya ito iniinda. Ang importante aniya, magampanan niya ito nang mahusay. Siya rin ay naisugod sa hospital hindi dahil sa mga tama sa sparring sa mga tuluy-tuloy na practice, kundi sa pagkain niya ng exotic food. Marahil hindi siya sanay kumain ng itlog ng langgam na mula sa kagubatan. Hehe!
Napabalitang natigil din daw ang shooting ng nasabing project na diumano ay dahil sa may problema sa budget. Ngunit tahasang itinanggi ni Rocco na ito ang dahilan. Akala marahil sa mga balita na natigil ang shoot dahilan sa pagbalik sa Maynila ng mga production staff ng film. Ngunit wala raw itong katotohanan dahil may break ito at sadyang naka-iskedyul na ito.
Ngunit babalik si Rocco sa June 28, at mga kasamahan nito, kung saan nagsi-shoot sa highlands. Naks! Mahaba-habang hiking ‘yan!
Ayon pa sa aktor, malaki ang budget ng film at hindi ito basta-basta. Sa fight scences pa lang daw ni Rochelle ay gumastos na ng P100,000. Gumawa rin ang production ng tree houses at kuwidaw, village ito. Naks! Tiyak na malaki-laki ang cost of labor niyan? Pero tiyak aabangan ito ng mga fans ni Rocco at leading lady niya na si Rochelle.
Heto pa ang kuwento, nagawa pang magpatawa ng aktor dahil sa isa siyang nursing graduate nag-self-medication na lang daw siya sa kanyang mga pasa-pasa sa mga braso, paa at katawan. Umiinom na lang daw siya ng pain killers tapos pahinga, tapos balik-traning siya.
Si Rocco ay binansagang second prince sa Starstruck V sa GMA7. Noong Pebrero 2012, gumanap siya sa isang pa-ngunahing papel sa isang teleserye na pinamagatang The Good Daughter. Siya at si Kylie Padilla ang bida rito bilang sina Darwin Alejandro at Bea Guevarra. Ang fast-rising na artistang si Rocco ay gumanap din sa Time Of My Life, Amaya at Gumapang Ka Sa Lusak. Siya rin ay regular na makikita sa Bubble Gang tuwing Biyernes. Isa siya sa mga kinikilala bilang GMA Artist Center heartthrobs. Samantala, si Rocco rin ay nagpapakita ng husay sa pagsasayaw sa Party Pilipinas tuwing Linggo.
Ayon kay Rocco, nais niyang magpatayo ng sariling bahay at business balang araw mula sa kanyang pawis at pagod bilang artista dahil sa kanyang sipag at tiyaga, at ito ang pangarap niya.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia