KUNG MAKAKUNSENSIYA naman sa harap ng mga taga-media ang legal counsel ni Deniece habang iniinterbyu itong si Atty. Howard Calleja ay may-i-dayalog pa ng, “We will file a rape case. Obviously, kayo na ang magsabi, kung sa mga kaanak n’yong babae ang nangyari ke Deniece, eh alam n’yo na siguro ang mararamdaman ninyo.”
Juice ko, kung nandu’n lang kami, ang isasagot namin sa lawyer na ito ay, “Kung totoo pong na-rape ay ididiretso ko po ang reklamo ko sa women’s desk at hindi ako paaareglo. Kung totoo pong na-rape, ha?
“Eh, attorney, pa’no po kung hindi naman na-rape tapos ‘yung anak n’yo, pinagbubugbog? Ano naman po ang mararamdaman n’yo?”
Nakausap nga namin ang isang friend naming doktor, ang sabi na lang nito, “Talagang gano’n ang lawyer. ‘Pag kinuha mo ang serbisyo ng isa, kahit ikaw pa ang pumatay, pipilitin niyang iligtas ka at palabasing hindi ikaw ang pumatay o self-defense lamang ang ginawa mo.”
Oh My G!
by Ogie Diaz