SA BISA ng inisyung “cease and desist” order ng National Telecommunications Commission (NTC) ay natigil na ang operasyon kagabi, May 5, 2020 ng ABS-CBN Network. Ikinagulat ito ng maraming empleyado ng network at ng sambayanang Pilipino.
Apektado rin ng closure ang 42 television stations sa buong bansa, including the flagship Channel 2, 10 digital broadcast channels, 18 FM stations and 5 AM stations, including DZMM radio.
Nagsara ang network dahil nag-expire na ang franchise nito at hanggang ngayon ay hindi pa nire-renew ng Kongreso.
Sa Cease-and-Desist Order (CDO) dated May 5, the agency said the network must stop its broadcast operations “due to the expiration of its congressional franchise” on May 4.
Binigyan ng NTC ng 10 araw ang ABS-CBN to respond as to why the frequencies assigned to it should not be recalled.
Ayon pa sa NTC, the order is to take effect immediately lalo na kung walang TRO o temporary restraining order mula sa korte.
Sa last broadcast ng TV Patrol kagabi ay nagbigay naman ng mensahe ang president ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.
“Patuloy na naghahatid ang ABS-CBN ng komprehensibong pagbabalita at nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor para makapagbigay ng pagkain at pang-araw-araw na pangangailangan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng “Pantawid ng Pag-ibig.”
“Sa kasalukuyan, nakapaghatid na ito ng higit sa P300 milyong halaga ng pagkain at mga batayang pangangailangan sa higit sa 600,000 na pamilyang apektado ng enhanced community quarantine.
“Umaasa kaming maglalabas ang gobyerno ng desisyon sa aming prangkisa base sa kung ano ang makabubuti sa mga Pilipino at nang may pagkilala sa papel at pagsisikap ng ABS-CBN na makapagbigay ng pinakabagong balita at impormasyon sa panahong ito.
“Mananatiling naglilingkod ang ABS-CBN sa publiko at maghahanap ng paraan para patuloy na makapaglingkod sa mga Pilipino,” ang bahagi statement ng ABS-CBN sa pagpapatigil ng NTC sa operasyon nito.