PATULOY na dumarami ang mga Pilipinong kumukuha ng impormasyon at aliw sa internet mula sa ABS-CBN may pinakamaraming tagasubaybay sa Facebook at YouTube sa bansa.
Umabot na sa higit 20 milyong likes ang Facebook page ng ABS-CBN, ang pinakauna at tanging page na nalagpasan ang 20-milyon mark sa Facebook. Hitik sa mga post, mga litrato, at mga video ang ABS-CBN Facebook page tungkol sa mga palabas, proyekto, at artista ng network na pinag-uusapan ng fans.
Mas maraming Pilipino rin sa Facebook ang nag-aabang at kumukuha ng balita nila mula sa ABS-CBN News, na may 18 milyong likes – ang pinakamarami para sa isang news account sa bansa.
Sa YouTube, nangunguna ang ABS-CBN Entertainment kung saan mayroon itong 26.3 milyong subscribers at 35.1 bilyong views. Ito rin ang ika-13 na pinakapinanood na YouTube channel sa buong mundo noong Pebrero at ika-10 naman noong nagtapos ang 2019.
Napapanood sa naturang channel ang mga pinag-usapang eksena sa mga Kapamilya show, trailers, behind-the-scenes features, performances, at ekslusibong interviews sa mga bituin.
Bukod diyan, hawak din ng ABS-CBN ang higit sa 40 channels na nakatanggap ng Gold at Silver YouTube Creator Awards, na binibigay ng YouTube sa mga channel na nakapagtala ng isang milyon at 100,000 subscribers.
Kabilang lamang sa mga pinaka-sinusubaybayan channels ay ang ABS-CBN News, na may 8.9 milyong subscribers at 5.9 bilyong views, Star Music (4.9 milyong subscribers), “Pinoy Big Brother” (3.4 milyon), Star Cinema (2.6 milyon), “The Voice Kids Philippines” (2.38 milyon), at The Gold Squad (2 milyon).
Pinapatunayan lamang ng pangunguna ng ABS-CBN sa YouTube na unti-unti nang nagiging isang digital company ang ABS-CBN dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
Ang pinakabagong programang ekslusibong mapapanood sa Facebook at YouTube ng ABS-CBN ay ang “Stay At Home Stories: Mga Kwento ng Taong Bahay,” na ipinapakita ang mga kwento ng pinagdaraanan at pagsusumikap ng mga Pilipino sa kabila ng COVID-19 crisis. Inilunsad din ng ABS-CBN “Pinoy Big Brother: Stay.”