ABS-CBN’S DZMM RADIO: Mga bagong programa na tutulong sa mga Pinoy!

DZMM Hosts: DJ Richard, Nina Corpuz & Bro. Jun Banaag

MAY BAGONG pakulo ang AM Radio station ng ABS-CBN na DZMM.     

     
Regular kami tagapakinig ng naturang istasyon kapag nasa haybols kami mula paggising hanggang aakyat na kami sa kuwarto sa gabi para manood naman ng mga cable shows na paborito namin.
 
 
 

Hindi kami mahilig sa mga music programs ng mga FM station lalo pa’t ngawa ng ngawa at talk ng talk ang mga disc jockey ng mga kaengotan, palpak nilang humor at kababawan. Ang mga ganitong programa sa FM stations noon ay may katinuan. Hahayaan ko na lang ang mga taxi drivers, kasambahay at mga security guards na naghahanap ng textmate or whatever.

Mas gusto ko makinig ng mga balita at current events sa radio. Kung may problema ang signal o reception ng DZMM ay ililipat ko sa DZRH o sa AM station ng GMA Kapuso Network na DZBB.
 
Kaya nga dahil sa pagbabago, nawala ang afternoon easy listening ko na mahilig sa old classic music na music program ni Bro. Jun Banaag na madami ang naghihinayang.
 
Sa pagkawala ng afternoon program ni Bro. Jun, madami ang nadismaya pero ito ay management decision. No choice ika nga kaya nakilala ko ang AM station na DWWW that plays old standard music na same format ng afternoon show ni Jun Banaag.
 
Sa bagong format ng afternoon programs ng DZMM, may tatlong programs na ipinakilala ang DZMM. Isang medical oriented show na Good Vibes ni Nina Corpuz at ang news program na On the Spot nina Vic Lima at Toni Aquino na tipikal news reading na napapanood overseas via TFC.
 
Para sa regular listeners ng DZMM ika-10th year na rin pala ang radio-television station ng AM ng DZMM.
 
Bukod kay Corpuz, nakakasama rin once a week si Dra. Luisa Puyat para katuwang na mag-share ng kanyang kaalaman pang-medikal at mga kwento hinggil sa mga proyekto ng DZMM Teaching Learning and Caring.
 
Sa news program naman nina Lima at Aquino na “On The Spot” ay maglalahad ng mga importanteng balita mula sa ABS-CBN news gathering team at Radyo Patrol at Regional reporters na nagpapatrol sa iiba’t ibang parte ng Pilipinas. 
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleAlden Richards, todo-tanggi na may anak siya sa pagkabinata!
Next articlePAY BACK TIME: Coco Martin, nagpasalamat sa mga kawal ng bayan

No posts to display