KUNG MINSAN AY may mga di-inaasahang pangyayari kapag ikaw ay nasa harap ng kamera. Pero sabi nga, kahit na anong mangyari sa personal na buhay ng isang artista, anuman ang estado ng kanyang emosyon, the show must go on. Maaaring namamatay ka na sa puyat, pagod at gutom, but once the cameras start to roll, you smile and face the cameras as if nothing happens.
Minsan ay nadadala ng kanilang emosyon ang mga artista sa mga confrontation scenes gaya ng sampalan at sabunutan, kaya nagkakasakitan sila kahit hindi sinasadya. There are times when an actor forgets his line during an important scene. What happens when a news anchor is reporting a breaking news when suddenly the teleprompter begins to malfunction?
May mga action stunts na kahit gaano kapulido ang ginawang practice ng mga artista ay nagkakaroon pa rin ng aksidente sa set. Gaya na lamang ng nangyari sa set ng teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin nang aksidenteng naiputok ni Martin del Rosario ang hawak nitong baril na naglalaman ng blank bullet kay Andi Eigenmann.
Kuwento ni Martin, “Nangyari kasi nun, ‘yung baril naipit sa aming dalawa. All of a sudden, biglang may putok na lang na narinig. Una, di ko alam [kung] saan nanggaling, tapos nakita ko na lang ‘yung reaksyon ni Andi na may pain. Nataranta lahat. Siyempre butas ‘yung jacket, butas ‘yung shirt.
“Hindi ko rin iniisip na mapuputok ko ‘yon. Nakadikit pa kay Andi. Nangyari ‘yung ‘di ko gustong mangyari. ‘Pag gano’n ko, pak, pumutok, diretso agad sa gilid ni Andi. Blank bullet lang naman ‘yon, pero lalo na kapag malapit, may explosion ‘yon. ‘Di ko naman sinasadya. Wala naman may gustong mangyari ang ganoong aksidente sa set.”
Andi was immediately rushed to St. Luke’s Hospital by the production staff and her co-star Maja Salvador. She suffered second degree burn from the accident.
Nakalabas na ng ospital si Andi. Nagkuwento rin siya tungkol sa nangyaring aksidente nang bisitahin siya ng The Buzz sa kanilang bahay. Iginiit niya na walang gustong mangyari ang aksidente. “I guess it happens. Aksidente lang naman ‘yung nangyari. I’m fine now. It’s a wound. Mawawala din naman siya. It would heal.”
Martin immediately apologized to her. “Martin’s a good friend of mine. Obviously, accident lang naman talaga ‘yon. Nung time na ‘yon, I was freaking out akala siguro niya nagalit ako,” sabi ni Andi. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa staff and crew ng Minsan Lang Kita Iibigin dahil hindi siya pinabayaan ng mga ito.
Balik-trabaho na si Andi ngayon sa natu-rang teleserye.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda