BLIND ITEM: Cute story ‘to. Sa isang taping sa school ng isang youth-oriented show ay naihi si directed by. Madaling-araw na no’n, kaya medyo “low-bat” na ang mga artista, production staff at si Direk nga.
Pupungas-pungas na nag-CR si directed by. Alam n’yo naman sa CR ng lalaki, magkakatabi ang urinal. Si Direk, nasa unahan. Tapos, habang umiihi, maya-maya, me artistang bagets, pumuwesto naman sa tabi niya.
Hindi nila namukhaan ang isa’t isa, dahil nakayuko sila pareho. Unang natapos si directed by. Eh, nakapukaw ng atensiyon niya ‘yung katabing bagets na hindi masyadong nakadikit sa wall kung umihi. Malayo sa urinal.
Kaya kitang-kita ni directed by ang nota ng katabi niya, “Nagising talaga ako no’n, kasi, bagets, tapos, ang laki ng nota. Pagtingala ko, nakita ko, si bagets.
“Napasigaw talaga ako ng, ‘Ay, juice ko, juice ko! Ikaw pala ‘yan. Hihimatayin ako!”
“Ay, ikaw pala ‘yan, direk! Ba’t po? Nahihilo kayo?”
“Hindi! Grabe kang bata ka, ang laki ng tit- mo!”
“Si Direk naman, akala ko kung ano na!”
Hahahaha! Hanggang ngayon, hindi makalimutan ni Direk ang kanyang nasaksihan at bumuhay sa kanyang inaantok nang mga mata at diwa.
“Juice ko, totoo nga ang tsikang nakarating sa akin. Daks nga ang bata. Imagine, madaling-araw na ‘yon, kahit semi-erect siya, ang daks-daks na niya. What more kung tumelag pa ‘yon, ‘di ba?”
Hahahaha! Hay, nako, direk! Kahit siguro minsan ka lang iibigin ng batang ‘yan, I’m sure, hindi ka niya makakalimutan kahit itanong mo pa kay Carmi!
Hahahaha!
PINUTAKTI KAMI NG mga komento at tanong sa aming Twitter account ng mga “concerned” at “intrigera” lang tungkol sa diumano’y sinabi raw ni Ate Cristy (Fermin) sa Juicy na, “Karangalan ng isang babae na mabastos ng isang Willie Revillame!”
Karamihan sa mga nagtu-tweet ay hinusgahan na agad si Ate Cristy. Halos isumpa siya ng iba na palibhasa raw ay kaibigan ni Willie Revillame.
So, ‘yung iba, nagtatanong kung ano ang masasabi namin sa isyu.
Honestly, hindi namin napanood o narinig kung totoo mang ikinoment ‘yon ni Ate Cristy. Pangalawa, hindi naman kami basta-basta maniniwala hangga’t hindi namin napapanood.
Kaya sa tulong na rin ng internet, napanood namin ang panig ni Ate Cristy kahapon sa “Juicy” kung saan nilinaw nitong hindi ‘yon ang kanyang pagkakasabi at pinutol-putol lang para magalit sa kanya ang mga tao.
“Hindi ko sasabihin ‘yon kahit kailan, dahil ako’y isa ring babae. May mga pamangkin akong babae at apong babae. Kaya sana, ‘wag n’yo nang inire-retweet ang mga salitang hindi ko sinabi.”
Binanggit pa ni Ate Cristy si Aiza Seguerra na siyang nag-retweet no’n, kaya nakiusap si Ate Cristy rito na sana’y bumuo na lamang ito ng isang hit song pagkatapos ng “Pagdating Ng Panahon”.
Juice ko, kahit kami’y biktima rin ng Twitter. Depende sa kredibilidad ng may-ari ng Twitter kung paniniwalaan ng mga followers. Kaya super ingat kami sa Twitter.
Although parang sa tunay na buhay rin ang prinsipyo ng Twitter – you cannot please everybody. Kung hindi mo gusto ang talim ng salita ng iyong follower, i-block mo siya.
Marami ring matapang lang sa Twitter dahil nagtatago lamang sa codename, pero sa personal, duwag namang talaga.
SI CRISTINE REYES nga, ‘kalokah rin ang atake sa kanya sa twitter nu’ng kasagsagan ng pagpaparinig niya kay Sarah Geronimo, eh.
Pinutakti si Cristine ng mga “bad words’ mula sa mga nagmamahal at sumusuporta at naniniwala kay Sarah. Hanggang sa ending, nagkabati rin ang dalawa. Si Sarah pa ang lumapit para batiin si Cristine nu’ng magkita sila sa ASAP.
Nagkabati na ang dalawa, ‘yung ibang followers, OA pa rin sa panlalait kay Cristine. At maging kay Sarah, may umookray rin. Na kesyo me pelikula kasing ipino-promote si Sarah with Gerald Anderson (na box-office hit, in fairness).
Gano’n din kay Cristine. May “Tumbok” naman daw ‘tong ipino-promote. Pero ang totoo, May 4 pa ang showing ng suspense-horror movie nilang ito ni Carlo Aquino, so paanong mangyayaring gumigimik lang ang dalawa?
Anyway, diyan mo masisilip kung anong mga karakter meron sa Twitter. ‘Yung iba, gustong manatiling magkagalit. ‘Pag nagkabati naman, ang paplastik daw! Kalokah, hindi mo na alam kung saan mo ilalagay ang sarili mo.
Kaya kami, natatawa na lang. If you can’t lick ‘em, join them. Gano’n na lang siguro ang drama para hindi ka mapikon sa Twitter.
Lugi ka ‘pag inilabas mo ang lahat ng totoong ikaw.
Oh My G!
by Ogie Diaz