Ayon kay Mark, naging successful siya sa kanyang weight loss journey dahil consistent ang kanyang pagwo-workout.
Pagmamalaki niya, “Forty pounds na (ang nabawas). Tapos mag-e-800 days na akong nagwo-work out dire-diretso mula nang nakalaya ako.”
Kahit naka-detain siya noon sa Pampanga Provincial Jail dahil sa kaso ng illegal possession of illegal drugs noong 2016, na eventually ay na-dismiss din, ay hindi siya humihinto sa pag-i-ensayo.
“Kasi umabot sa punto na ayaw akong pag-ensayuhin sa kulungan. Actually, puwede ko nga silang idemanda ng ganu’n, eh, na ayaw nila akong pag-workout-in sa loob ng kulungan nung time na yon pero hindi ko ginawa kasi mababait naman yung ibang tao doon.
“Mag-e-800 days na akong nagwo-work out simula nung nakalaya ako. Natitigil lang pag may trabaho. So, sa awa nama ng Diyos (pumayat na din),” lahad pa ng aktor.
Bukod sa health reason ay aware din si Mark na kailangan niyang ayusin ang kanyang pangangatawan dahil isa siyang artista.
“Kasi ako talaga bilang artista, pakiramdam ko wala akong dating kapag hindi proper yung weight ko. So, ito kahit paano, alam mo yon?” katwiran niya.
Natatawa ring ikinuwento ni Mark na ipinagdasal pa raw niya sa Diyos na papayatin siya.
“Umabot pa sa punto na kailangan ko pang ipagdasal yung weight ko, ‘Lord, ibalik ninyo yung figure ko,’ ganyan-ganyan, buti na lang na answered prayer. Salamat kay God,” tinuran pa ng original Guwapings member.
Hindi naman nabanggit sa amin ni Mark kung anong klase ng diet ang kanyang ginagawa para pumayat at kung anong mga pagkain lang ang puwede niyang kainin.
Meanwhile, Mark is playing the role of Angel Michael na ang misyon ay lipulin ang mga anti-Christ sa Biyernes Santo na mapapanood simula March 26 sa Vivamax.