ISANG bagong mukha ang ilulunsad ni Direk Joel Lamangan at ng 3:16 Media Networks sa psychological sex drama movie na Silab.
Her name is Cloe Barreto, 19 years old, from Roxas, Oriental Mindoro, member ng all-female sing and dance group na Belladonnas.
Sa Silab, gagampanan ni Cloe ang karakter ni Ana, isang babaeng merong obsessive-compulsive neurosis. Ang health condition na ito ay isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms.
Ayon sa dalaga, napakahirap ng ginampanan niyang role sa SILAB.
“Napaka-complex nung character ko. Paiba-iba rin yung emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman siya nang maayos,” lahad ni Cloe.
Dagdag pa niya, “Hindi ko rin alam kung paano ko siya nagawa basta inaral at ininintindi ko lang yung script tapos kapag nasa harap na ako ng kamera nawawala na lahat ng inhibitions ko, nagiging ako na si Ana.”
Puring-puri rin ni Direk Joel ang performance ni Cloe sa pelikula.
“Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose nung nagsisimula siya sa pelikula,” papuri niya sa dalaga.
Dalawa ang leading man ni Cloe sa Silab – sina Jason Abalos at ang newbie hunk actor na si Marco Gomez. Parehong magkakaroon ng malalim na kaugnayan ang karakter ni Cloe sa dalawang kapareha.
Kasama rin sa pelikula ang mga seasoned actresses na sina Ms. Chanda Romero at Lotlot de Leon.
Ang Silab ay isinulat ng award-winning scriptwriter na si Raquel Villavicencio na sumulat din ng mga pelikulang Kapag Langit Ang Humatol, Sa Ngalan ng Pag-ibig, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Abandonada, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Hihintayin Kita sa Langit, Batch ’81, among others.
Bukod sa ganda ng script, direction at superb acting ng cast ng Silab, maganda rin ang cinematography ng pelikula.