OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authourity of chikka! ‘Eto na naman ang aking pasabog.
This time, shocking ang aking write-up. Gabi ng Feb. 4, nakatanggap ako ng call from a very reliable source na for the first time, shock to death ang inyong lingkod. Sabi ko nga, ‘OMG! Gano’n?!’
Kasi, ito ‘yung mga sinabi niya: “Tita Swarding, may scoop ako. Kasi may kaibigan akong bilyonaryo na may kaibigan doctor sa isang kilalang ospital na nag-tsika sa akin na itong magaling na actor turn into politics ay HIV positive, pati ang kanyang anak na lalaki.
Kasi nagpa-check-up yata dahil pabawas nang pabawas ang timbang ng mag-ama. Shocking nga raw ang resulta, kasi both of them ay positive sa HIV. Halos hindi ako makapaniwala. Kasi isa siya sa mga respetadong tao sa kanilang lalawigan. Kasi humahawak siya ng mataas na posisyon sa pulitika.
Kung totoo man ito, mukhang nakadidiri naman na habang nangangampanya ang nasabing pulitiko, hindi nila alam na may sakit itong kinakatakutan ng marami.
Dapat mabigyan ito ng pansin ng mga kinauukulan kung totoo man ito. Nakapanghihinayang talaga kung ang tsikang ito ay may katotohanan. Kaya lang, ilang beses siyang tumawag sa akin na detal-yado lahat ang sinabi sa akin.
Ayaw kong magbigay ng clue. Kasi mahirap na, napaka-sensitive ng chikkang ito. Delicate para sa akin. Kaya gusto ko lang ipaalam sa madlang people na mag-imbestiga sila at tingnan nga ang kinikilos ng actor-politician na ito. Kasi sa ngayon daw, parang laging tuliro kasama na rin ang kanyang anak.
Kung totoo man ito kailangan po natin ang dasal sa kanila na mali ang findings ng mga doctor at mag-second opinion sila sa ibang hospital o kaya sa ibang bansa. Tutal, kaya naman nila dahil angkan sila ng madadatung.
Hay, naku! Hayan na muna tayo, su-baybayan na lang n’yo ang colum kong ito para sa mga darating pang detalye. ‘Yun na!
NAKAPANGHIHINAYANG NAMAN at hindi ko kinaya ang power ko. Kasi Feb. 5, premiere ng aming pelikulang I Luv U, Pare Ko na matagal kong hinintay ang araw na ito. Sad to say, hindi ako nakarating dahil sa sobrang stress.
Feb. 3, umalis ang aking anak patungong Qatar para makipagsapalaran, kaya crayola mirasol ang inyong lingkod. Napakabait kasing anak si Niño Ian at ngayon lang nawalay nang matagal. Feb. 4, na shock ako sa natanggap kong chikka na ang actor-politician at anak nitong lalaki ay positive sa HIV. Kaya sunud- sunod ang stress. Ayon bumigay ako.
Kinabukasan pinilit ko lang tumipak sa aking computer para makapag-deadline at balik ulit sa higaan kaya hindi ako nakara-ting sa premiere. Ngayon na pala ang sho-wing ng pelikula na pinagbibidahan ng mga bagets na sabi nga ni Xixi Maturan, isa sa cast ng nasabing film, nakakatilam-tilam sina Rocco Nacino at Rodjun cruz na isa rito ang pinagpapantasyahan ng kaibigan kong si Jojit de Nero.
Kaya sa aking director Neal Buboy Tan, at sa mga kasama ko sa pelikula, lalo na sa Krix Production, sa aming producer na si Riqui Cardenia, ipagpaumanhin po n’yo lahat. Kasi hindi kinaya ng aking katawan. Kaya nakikiusap po ako kung gusto po n’yo maaliw, mabaliw at humalakhak manood po kayo nitong I Luv U, Pare Ko. Garantisado at sulit ang binayad n’yo, kasi ito ang tunay na sisterakas, kasi lahat kami rito, badingerze! Ibang klase sa lahat ng gay movie ang pelikulang ito. Kabog!
SPEAKING OF pasalamat, naaliw ako last Sunday sa aking program kasi nag-guest sa akin ang baguhang singer na si Paula Bianca. Napaka-professional kausap at napakagaling kumanta at ang ganda ng boses. Napag-alaman ko na pamangkin pala ito ni Sharon Cuneta, kasi namataan ko ang daddy niya kasama niya sa DZRH.TV sa aking program, si Danilo Cuneta, kapatid ni Sharon sa amang dating mayor ng Pasay si Pablo Cuneta (RIP), at siya ngayon ang manager ng Heritage Casino.
Tapos ng Mass Communication itong si Paula with flying colors, kasi magna cum laude lang naman ito. Kaya medyo late bloomer na siya sa pagpasok sa showbiz, katuwiran ng magulang niya, kailangan magtapos muna ng pag-aaral itong si Paula. May bago siyang self-titled album, nakapaloob ang 5 kanta na halos lahat wala kang itapon, kasi maganda lahat na ginawa ni Vehnee Saturno, tulad ng ‘Problemang Puso’, ‘Napapaluha’, ‘Napakasakit Naman Nito’ na carrier single, ‘Miss na Miss’ na pinasikat ng Father and Sons, at ‘Parting Time’. Sabi nga, if it comes from Vehnee Saturno, it must be perfect. May minus one pala ito na out na sa mga record bars sa buong Pilipinas. Produce ito ni Vic del Rosario. Jr, Tony M. Ocampo and Vincent del Rosario. Grab a copy, now na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding