NAKU, HANGGANG NGAYON pala ay binabantaan pa rin kami ng isang actor-politician from the South. Hindi pa rin pala ito tumitigil sa pagbabanta against us dahil sa mga blind items namin na inaangkin niya tungkol sa isang actor/politician na mahilig mambiktima ng mga kabataang babae.
E, kung hindi ba naman praning ang actor politician na ito from Mindoro, bakit niya inaari ang blind item,e, blind item nga ‘yon, ‘di ba? Kung inangkin niyang siya ang bida sa blind item na mahilig pumatos sa mga girls na 18-year olds and below , e, siguro nga, ganu’n ang kanyang gawain, bwahaha!!!
Kaya bilang sagot namin sa kanyang banta, e, lalo naming koookooolit-kooolitin ang aming source na close sa kanyang ex tungkol sa kanyang mga kalokohan lalo na’t may binibiktima na naman siyang 17-year old na taga-Mindoro ngayon na isinasali niya sa bikini contest, he, he, he.
Ilan lang naman ang actor-politician sa Mindoro at lalo kaming magiging ma-kooolit para tumigil na siya sa kanyang kalokohan… getz?
TRUE ANG REPORT na halos every night nakikita si Faith Cuneta sa Resorts World Casino. Na lagi siyang nakikitang rumarampa ru’n, sabi nga ng ilang mga texters sa mga kapatid natin sa panulat.
Pero nilinaw naman ng kanyang manager na si Jacob Fernandez ang dahilan kung bakit.
Nandu’n daw si Faith, hindi para mag-online casino kundi malapit na raw kasi siyang magkaroon ng show sa lugar na ‘yon.
Isa pa, kung hindi magbabago ang plano, e , ang management na humahawak sa career ni Faith ang hahawak sa entertainment department ng isa sa mga malalaking casino sa Manila.
Hmmm… pero in pernes, kung magta-try si Faith mag-online game at maka-jackpot, e, baka bigla siyang mapapakanta ng, “…langit ka, lupa ako…” Joke!
ANG PINAKA-EVIL NA role! ‘Yon ang ginagampanan ngayon ng Talentadong Pinoy juror na si Audie Gemora sa pinakabagong stage-musical ng Repertory Philippines, ang “Sweeney Todd, The Demon Barber of Fleet Street” na magsisimula na sa November 14 at On Stage Greenbelt Theater.
Yap! Si Audie ang gaganap sa role ni Sweeney, na ginampanan naman ni Johnny Depp sa latest movie version nito na siguradong pinanood ng mga mahihilig sa mga suspense thriller.
Sabi ni Audie, sobrang evil ang kanyang role kaya kung sakaling nadadala niya ‘yon sa kanyang role as juror sa Talentadong Pinoy, e, hindi na kami magtataka kung sakaling sabihin ng mga contestant na, “Talentadong Audie ito, a!”
Matagal nang gusto ni Audie na magtayo ng grupo para maprotektahan ang compensation ng mga stage actors na alam naman ng lahat na hindi masyadong kataasan ang kita pero dahil na rin sa dami ng kanyang trabaho sa TV, e, hindi rin niya ito maasikaso.
Hmmm… talentado talaga si Audie!
In connection with the Repertory Philippines, nakausap namin ang president ng Southern Musicians at ang drummer ng Michael Escueta Band na si Roy Secilliano tungkol sa kagustuhan nilang maging part ng grupo sa stage musical.
Maraming talented musicians ang kasama sa grupo nina Roy na magkakaroon ng recital on December 13 sa Alabang Town Center kaya kung sakaling interested ang mga taga-Repertory Philippines sa mga musicians na taga-South, pakitawagan lang po si Roy sa 09177916664, okidoki?
For reactions, please e-mail [email protected]
Sour-MINT
by Joey Sarmiento