BONGGA ang bagong pelikula ng Viva Films. Kuwento tungkol sa pag-ibig at relasyon ng dalawang babae na ginagampanan nina Cindy Miranda at Rhen Escano.
Bong, real women ang dalawa pero napapayag sila na gawin ang mga roles nila sa pelikulang Adan na nasa panulat ni Direk Yam Laranas at a direksyon naman ni Direk Roman Perez Jr.
Nakausap na namin si Cindy noon sa media conference ng action film ni Cristine Reyes na Maria. She played the role of the hired killer ni Cristine sa movie.
Imagine, ang isang tulad ni Cindy na maganda, sexy at katakam-takam, pumayag na gawin ang isang delicate role as a lesbian?
Sino si Cindy? Dating winner siya sa Miss Teen Philippines noong 2008 Region 1 at Miss Philippines Earth Baguio at sumali rin sa Bb. Pilipinas at nagwagi ng korona as Binibining Pilipinas Tourism kung saan lumaban siya internationally at nirepresent ang Philippines sa Miss Tourism International na naganap sa China.
Hindi man niya naiuwi ang korona as the big winner ay pasok naman siya as a semi-finalist sa patimpalak.
Graduate ng Tourism course sa UST si Cindy na isang cum laude lang naman.
Kung familiar man ang face ng dalaga, dati siyang PBB Housemate ni Kuya at naging co-host ni Willie Revillame noong nasa TV 5 pa ito.
May mga semi-regular stint din naman si Cindy sa serye sa Kapamilya Network tulad sa La Luna Sangre.
As a Viva contract artist, ang latest project na ginawa ni Cindy was ang pagbabalik movie ng mga original na mga “Gamol” na sina Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E na “Sanggano Sanggago’t Sangguwapo” where she plays leading lady of Janno sa pelikula na dinirek ni Al Tatay.
Biggest break ni Cindy ang “Adan” na isang lesbian themed movie na ipapalabas na next Wednesday, November 20 sa mga sinehan.
Sa kanyang role as a lesbian sa movie, hindi ikinahihiya ni Cindy ang pelikula niya .
“Proud ako. I will, invite my friends to watch the movie or isasama ko sila sa premiere night,” pagmamalaki ni Cindy.
Sa movie, first time ni Cindy magkaroon love scenes with a girl. Tomboyan kasi ang peg ng movie nila ni Rhen.
Hindi na bago ang lesbian films para sa Viva dahil noon, meron na rin silang “tomboyan” movie with Maui Taylor at Rica Peralejo na ”Hibla” na sinulat din ni Direk Yam.
Ayon kay Cindy, first time niya magkaroon ng experience na makipaghalikan with a girl. “I’m not a lesbian. Yan ang sinasabi ko sa mga lesbian o babaeng nagpaparamdam. Many times, na may mga lumalapit sa akin pero iba ang gusto ko. I prefer men than girls but I have nothing against lesbians. Okey sila makipagkaibigan. Madami din ako mga friends na lesbians,” sabi ni Cindy.