Speaking of Adelle Ibarientos-Lim, stage actress na siya ng Tanghalang Santa Ana sa Manila bago ito naging miyembro ng Philippine Stagers Foundation. Emergency stage actress ang tawag sa kanya noon. Ininterbyu ng PSF kung marunong siyang mag-sing and dance. Nang dahil sa performance na ipinakita niya on stage, na-impress si Direk Vince Tañada at nagtuluy-tuloy na ang pagiging active nito on stage at naging original member ng PSF.
“Actually, mag-thirteen years na ako sa PSF, I started 2003. I’m very thankful kay Direk Vince, kasi kapag nakikita ko ang sarili ko when I started, ‘yung bang para kang walang alam. Every role that was given to me, china-challenge ako ni Direk Vince. Huwag lang du’n sa comfort zone mo. You have to go under para mati-train ‘yung versatility mo as an actress,” say ng veteran stage actress na si Adelle.
Nang dahil kay Direk Vince, na-discover si Adelle ni Elwood Perez para sa indie film na “Otso”.
“Supporting role, I played the mother of Vince when he was younger (flashback). ‘Yung second movie ko, “Esoterika: Manila”, leading lady ako Ronnie Liang. Nagustuhan ni Direk Elwood ‘yung eyes ko, nangungusap siya nang kusa,” paglalahad ng magaling na actress.
Totoo namang very powerful ang eyes ni Adelle. Kahithindi mag-dialogue, uma-akting ang kanyang mga mata kapag tinitigan ka nito.
Ilang beses na naming napanood si Adelle on stage, wala kaming masabi sa husay niyang mag-perform sa harap ng audience. Kahit anong role ang ibato mo sa kanya, buong puso nitong nagagampanan. Lalo nasa stage play na “Katips: Ang Mga Bagong Katipunero”.
Say ni Adelle, “Being an actress, hindi naman humihinto sa iisang role lang o sa iisang production play. Kailangang palaging mayroon kang bagong ipakikita sa bawat character na pino-portray mo. Mas lalo kang gagaling kung mabibigyan ka ng maraming opportunities na ipakita kung ano talaga ang talent mo.”
Taos puso ang pasasalamat ni Adelle kay Direk Vince dahil lalong nag-improve ang acting skills niya on stage.
“Actually, si Direk Vince, hinahayaan niya akong mag-discover kung ano ‘yung kaya kong gawin. Kapag nakukuhana niya ‘yung gusto niyang Makita sa akin, okay na, tama na ‘yan. Sinasabi niya, you can give more, better than that, kaya mo pa… Kasi kay Direk Vince, hindi niya ituturo sa ‘yo kung ano ‘yung dapat mong i-act. Hahayaan ka niyang ma-discover mo sa sarili mo kung ano ‘yung talagang kaya mong gawin. Ibig sabihin, nakuha mo na ‘yung gusto mong gawin. Binibigyan niya kami ng freedom kung anong atake ang gusto mong gawin sa isang eksena. Kung minsan, kapag ayaw niya ‘yung acting ko sinasabi naman niya. As a director, alam niya kung effective ‘yung acting mo sa character na pino-portray mo,” paliwanag ng magaling na singer-actress Adelle Ibarientos-Lim.
Nahirapan si Adelle sa role na Alet, tagged as the new Tandang Sora sa stage play na “Katips”.
Sabi niya, “Sa lahat ng naging role ko, nahirapana ko rito. Mahirap ‘yung tino-torture ka na nakaupo na gagalaw ka habang kumakanta. ‘Yung voice mo, once na matabig ka nu’ng nagto-torture, puwede kang ma-out of tune, ganu’n. ‘Yun ang pinag-uusapan naming nu’ng kaeksena kong si JP. Sabi ko sa kanya, kapag may time na kailangan kong kumanta ng high note, huwag mo muna akong galawin. At the end, nakuha naman naming ni JP.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield