I JUST CAN’T imagine myself na ako ang karakter sa pelikulang Adrift na isang Hollywood film na hango sa libro at tunay na kuwento ng buhay ni Tami Oldham Ashcraft.
Ayaw ko na nakalutang ako sa gitna ng open sea na hindi ko alam kung mare-rescue ako o mabubuhay pa ako after ng disaster habang nasa laot ako.
Isang inspirational movie (at survivor film) ang pelikula handog ng Viva Films International kung saan sina Tami Oldham at Richard Sharp ay magkasintahang na nag-sail sa dagat nang biglang na-encounter nila ang Hurricane Raymond na isa sa pinakamalupit na bagyo on record sa buong mundo on their way to San Diego (California) from Fiji (South Pacific).
Nakakabilib ang lakas ng loob at pananampalataya ni Tami sa nangyari sa buhay niya.
Ang katauhan ni Tami ay ginagampanan ni Shailene Woodley (of the film The Fault in our Stars and Divergent), at ang role naman ni Richard ay ginagampanan ni Sam Claflin (of Me Before You and The Hunger Games).
Naging location ng pelikula ay exotic Fiji at New Zealand na 49 days isinagawa ang shooting.
Now showing (nagsimula yesterday, June 27) ang Adrift sa mga sinehan nationwide.
Reyted K
By RK Villacorta