AFTER 17 YEARS: Sandara Park, nilisan na ang YG Entertainment

TULUYAN nang nilisan ng Star Circle Quest favorite turned K-Pop Superstar Sandara Park o DARA ang YG Entertainment, ang talent agency na pinagsilbihan niya for 17 years.

Narito ang opisyal na pahayag ng YG Entertainment na inilathala sa SOOMPI.COM:

Sandara Park

“This is an announcement that YG Entertainment and Sandara Park’s exclusive contract has expired. We express sincere gratitude to Sandara Park, who has been together with YG with special trust and affection,”

“YG will always cheer on the challenges that Sandara Park takes on, and we will continuously help her until she completes preparation for her new start,”

“Sandara Park joined YG in 2004, and after debuting with 2NE1 in 2009, she has shown impressive performance not only in music but also in various areas such as acting, fashion, beauty, and as an MC,” it said.

“We ask for much interest and support from fans so her positive energy can shine even further. We once again sincerely thank the fans who have loved Sandara Park as an artist of YG until now.”
Nag-umpisa ang showbiz journey ni Sandara Park nang sumali ito sa unang sabak ng reality-based artista search na Star Circle Quest o SCQ. Hindi man siya ang itinanghal na Grand Winner (Hero Angeles – her former ka-loveteam), nanalo naman ito sa puso ng mga Pinoy at niyakap si Sandara bilang kanilang idolo.

Nagbida ito sa ilang TV and movie projects at nagkaroon din ng short-lived career as a novelty singer known for her songs ‘In or Out’ and ‘Ang Ganda Ko’. Minahal ng mga tao ang pagiging totoo ni Sandara at tinawag itong ‘Pambansang Krung Krung’ dahil wala itong kiyeme sa pagpapatawa.

Nag-umpisang lumamlam ang karera ni Sandara sa Pilipinas noong 2007 at doon na ito nagdesisyon na makipagsapalaran sa kanyang home country para subukan ang kanyang suwerte na maging parte ng 2NE1, na itinuturing na isa sa pinaka-iconic girl group in K-pop history.

Tumagal ng pitong taon ang pagsasama ng 2NE1, na nabuwag nang magdesisyon ang ibang miyembro na huwag nang mag-renew ng kontrata sa YG Entertainment. Through the years, naging effective product endorser, model, TV host and entertainer si Sandara Park. Hanggang ngayon ay mahal na mahal siya ng mga loyal fans niya sa buong mundo.

Sandara Park | Photo Source: https://mega.onemega.com/

Dahil sa pag-alis ni Sandara sa YG Entertainment, na binansagang ‘heart of YG’, ay muling nabuhayan ang mga blackjacks (tawag sa 2NE1 fans) na matutuloy na ang inaasam-asam na reunion ng girl group. Para sa amin, gusto namin makita si Sandara na magbida sa isang KDrama. Ano sa tingin niyo?

We wish you the best of luck, Dara! Basta nandito lang kami para sa’yo!

Previous articleBACK TO WORK NA: Tom Rodriguez, ligtas na sa Covid-19
Next article‘Home Run: The Comeback Concert ni Darren Espanto na-postponed

No posts to display