HINDI PA man natatapos ang kontrobersiya at pagkaka-link ni Atty. Ferdinand Topacio sa GMA young star na si Bea Binene, pilit namang inili-link ngayon ang very generous at mahusay na abogado sa TV5 young star na mula sa artista search si Marvelous Alejo.
May mga tsikang ito na nga raw ang bagong apple of the eye ni Atty. Topacio na palaging napagkikitang kasa-kasama nito lately na mariin namang itinanggi nito. Ayon kay Attorney, tinutulungan niya lang si Marvelous at parang anak lang ang turing nito sa magandang dalaga. “Ano ba ‘yan?! Tinutulungan ko lang si Marvelous. Magaling naman ‘yung bata at mabait, kaya ‘wag nilang bigyan ng kulay ‘yung pagtulong ko. Katulad ng ginawa kong pagtulong noon kay Bea, anak ang turing ko sa kanila. Kaya natatawa ako nang makarating sa akin ang balita na si Marvelous ang pinalit ko raw kay Bea na hindi totoo, dahil wala namang ganu’n.”
Inamin ni Attorney Topacio na siya ang tumutulong kay Marvelous na magkaroon ng sariling recording album na nakatakdang i-release ngayong December. “Totoo na tinutulungan ko si Marvelous na magkaroon ng album. Ngayon nga ay pinag-uusapan na namin ‘yung mga songs na isasama sa album. Gusto ko kasi, magaganda lahat at bagay sa boses niya. Nakakakanta naman ‘yung bata at puwede namang magka-album. Bakit hindi natin tulu-ngan? Dream niya ang magka-album kaya naman tinulungan ko siya.”
Ayaw na lang daw intindihin ni Atty. Topacio ang nang-iintriga sa kanya at sa nagbibigay-kulay sa pagtulong niya kay Marvelous, dahil likas naman daw sa kanya ang tumulong kaya naman ayaw na lang nitong paapekto sa mga maling tsismis sa kanya.
VERY THANKFUL at happy si Lovi Poe nang makarating sa kanya ang balitang binabasa pa lang ni Dingdong Dantes ang script ng Tiktik: The Aswang Chronicles, siya na ang naisip na gumanap sa role ni Sonia, ang nabuntisang nobya.
Saludo nga raw at bumilib si Lovi kay Dingdong at sa ibang producers ng pelikula dahil nag-take ng risk na gawin ito kahit malaki ang nagastos at patuloy pang lumalaki ang gastos sa pagpapaganda ng pelikulang ito.
Sa pelikulang ito ini-introduce ang paggamit ng green screen technology at ang unang makakakita’y ang manonood sa premiere night sa October 15 sa SM Megamall at celebrity premiere sa Oct. 16 sa Greenbelt bago ang showing sa Oct. 17.
MALAKING TAGUMPAY ang katatapos na Mall Show ng UPGRADE last Oct. 12 na ginanap sa Jackman Plaza sa Muñoz, Q.C., kasama sina Fil-Canadian singer-beauty queen Gina Damaso at award-winning young rapper DJ Joph, kasama ang kapatid nitong si Vrinnel, hosted by Jeffrey Jumarang.
Dumagsa ang taong gustong mapanood ang isa sa hottest boyband at tinaguriang Trending Sensation sa bansa, kung saan pinuno ng tilian at palakpakan ang entertainment venue ng mall sa bawat awitin ng UPGRADE at nina DJ Joph at Gina.
Muli namang tatanggap ng kanilang ika-apat na award ang UPGRADE sa Global Excellence Award 2012 sa Oct. 21 sa AFP Theater bilang Outstanding Boyband at sa Oct. 28 naman ay magkakaroon sila ng grand fans day.
BLIND ITEM: Nakakaloka naman ang isang nanay ng isang contestant sa isang reality search artista search, dahil kahit on going pa ang nasabing artista search, nagpi-feeling star na rin ang nanay ng star wannabe.
Kuwento nga ng isang staff ng naturang artista search, grabe raw kung umasta si Mudra na mas feeling artista pa sa anak. Nand’yan nga raw na awayin nito ang magulang ng ibang kasama sa nasabing artista search at pati nga raw ang ibang staff ay nakakatikim sa bangis ng pagmamaldita ni Mudra.
Halos magpa-party nga raw ang mga staff ng nasabing artista search nang matanggal ang anak ni Mahaderang Mudra , dahil hindi na nila ito makakasama nang matagal. Pero naloka ang mga ito dahil nang matanggal daw ang kanyang daughter, super emote si mudra na hindi deserving matanggal ang kanyang dyunakis dahil maganda at talented ang kanyang anak .
Deadma na lang nga daw ang mga staff sa drama ni Mudra, dahil ang mahalaga raw ay tanggal na ang anak nito at mababawasan na ang maldi-tang nanay sa nasabing artista search.
John’s Point
by John Fontanilla