KAHIT ANO PA ang matin-ding intrigang pinagdaa-nan noon nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng ilangan factor ang dalawa na nagresulta rin para hindi muna sila magsama sa proyekto, ay nabura na nga sa ngayon. Kasi nga, kasado na ulit ang plano na muli silang magtambal sa isang pelikula, at ito ay sa pangatlong pagkakataon. Mahirap naman ka-sing patayin ang tambalan na kumikita ng milyun-milyon.
Naudlot lang kasi ang planong ‘yan, dahil noon ay pinaghiwalay ng mga intriga sina Sarah at Lloydie. Maganda na rin na nitong huli ay sa bibig na rin mismo ni Sarah nanggaling ang kumpirmasyon sa muli nilang pagtatambal ng mahusay na aktor. Nanggaling na rin sa salita ng pop princess na special para sa kanya si Lloydie. Kambiyo ang dating nito, dahil nu’ng pinaplano na ang muli nilang pagtatambal, sa kampo ng singer-actress nanggaling ang hindi pagsang-ayon na muli silang magkasama, habang iyon na rin ang naging desisyon ni JLC dahil mahirap daw gawin ang isang project kung mayroong isa sa kani-lang dalawa na parang umaayaw.
Dahil sa mga pangyayaring ito ay marami ang bumibilib kay Sarah. Kasi nga, naa-appreciate nila ang ugali ng singer-actress, na pagkatapos magpalamig mula sa mga gusot at intriga, nagagawa niyang magpakumbaba. Siya noon ang nagpursige na magkabati sila ni Cristine Reyes na nakaalitan niya dahil kay Rayver Cruz. Ngayon naman ay sa kanya rin una nanggaling ang salita na willing na siyang makipagtambal ulit kay Lloydie.
PALAKPAKAN NATIN ANG matagumpay na pagtutulu-ngan nina OMB Chairman Ronnie Ricketts at Manila Mayor Alfredo Lim para kahit paano ay maging malinis ang Quiapo, partikular na nga ‘yung lugar na pinamumugaran ng mga nagbebenta ng pirated DVDs. Nu’ng last week ng June kasi ay napadaan ako roon, at nakita ko ang ebidensiya na apektado na ang mga nagtitinda roon ng malawakang pag-aksiyon ng OMB para tuluyang tanggalin ng bentahan ng mga piniratang pelikula at musika.
Pasintabi kay Chairman Ricketts, pero aminado po ako na bumibili rin ako ng mga piniratang pelikula. Pero maipagmamalaki ko naman, na sa dami ng mga koleksiyon ko ng pelikula, mas marami ang hindi pirated, ‘noh! Nadinig kong nagkukuwentuhan ang mga tindera, na malaking kawalan sa kanila ang pagbabawal na makapagtinda pa sila. Tanggap na ng marami sa kanila, na kailangang mag-iba na sila ng ibebenta para patuloy na makapagnegosyo. Bagsak-presyo na nga ang bentahan nu’ng huli kong pasyal sa Quiapo.
Nu’ng sasakay na ako ng biyahe patungong Cubao, d’yan sa ilalim ng overpass bago sumapit ng Isetann Recto, sobrang mababa na benta-han. Mabibili mo na ng limang piso ang isang kopya ng pelikula, na puwede pang limang pelikula sa halagang 20 pesos. Kasi raw, inuubos na lang nila ang mga paninda, dahil pormal na nga raw silang kinausap ni Chairman Ronnie. Huwag nga sanang maging ningas-kugon ang kampanyang ito nina Mr. Ricketts at Mayor Lim bilang malaking tulong na rin nila para sa movie industry na talagang sobrang naapektuhan ng lumaking industriya ng pamimirata.
ChorBA!
by Melchor Bautista