KINAKIKILIGAN NG KABABAIHAN at kabadingan ang Azkal player na si Phil Younghusband pero tila hanggang pangarap na lang ito ng mga mahadera dahil matapos umaming gusto ng guwapong
binata ang mga naggagandahang aktres sa local showbiz na sina Marian Rivera at KC Concepcion
eh, may bago na naman itong kinahuhumalingan… walang iba kundi si Angel Locsin. Tatlo-tatlong girlalu ang nagpatibok sa kanyang malaki at pumipintig-pintig pang…. Puso, ha-ha!
Sorry na lang kay Papa Phil, kasi may Papa Dong na si Marianita at may Papa P na rin si KC, kaya si Angel na lang ang available for now. Walang habas na ginamit pa ang Twitter para yayain ang aktres sa isang Valentine date kung saan target-shooting pa ang gusto? Tsk, tsk… putukan agad? Hindi pa nga nakaka-iskor eh, he-he! Tumanggi naman ang Angel dahil busy nga raw ito sa kanyang mga anik-anik. Ganu’n?!
Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit and Parazzi Wires
By MK Caguingin
Parazzi Chikka
Parazzi News Service