NAKABALIK NA ng bansa ang Queen of All Media na si Kris Aquino yesterday mula Singapore kung saan nagpa-medical check-up siya muli para matutukan ang kanyang tila non-curable sickness sa kanyang autoimmune system.
Sa kanyang pagpunta sa Singapore recently ay kasama niya ang bunsong anak na si Bimby na isa sa personal na nagalaga sa kanya aside from the all-Pinoy medical staff ng Farrer Park Hospital na puring-puri ni Kris sa pagiging maasikaso, maalaga at mabait sa kanya.
Now that Kris is back sa Pinas para ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling, mas malaki din ang hamon na kanyang haharapin sa 2019 lalo pa’t aside from her health issues ay tuloy pa rin ang laban niya sa kasong isinampa ng current top celebrity endorser ng Pinas laban sa dating business partner niya na si Nicko Falcis na idinemanda niya ng 44 counts of qualified theft.
Sa kanyang recent post, sinulat ni Kris: “What I have has no cure, but I can fight to become stronger for the people I love & the people who matter,” pagkakasulat niya sa kanyang Instagram account.
Pagpapatuloy niya: “9 out of 10 people with an autoimmune disease is a woman. I am not a doctor, hindi rin po ako expert- but I have been diagnosed with several. If you google, ‘the early symptoms of many autoimmune diseases are very similar such as: fatigue, achy muscles etc…’ (source healthline.com) Posted this for awareness regardless of possible bashing kasi at this point, care ko.”
Pagkukuwento niya sa kanyang IG: “It was a 25 to 30 minute walk from the check in counter to our Terminal 2 Gate. There are days kakayanin but I just underwent several surgical procedures and I need to build up my stamina. Ayoko nang magalit at mag self pity. Lalaban ako, to improve my outlook and my quality of life.”
With this attitude of Kris, bilib ako sa kanya. Laban kung laban.
Reyted K
By RK Villacorta