“FIRST ACTING award, major award agad. I’m so blessed. Thank you sa lahat ng nagtiwala sakin. Alay ko po to sa inyo. :)” Ito ang tweet ng Kapuso Star na si Kristoffer Martin pagkatapos manalo sa katatapos na Golden Screen Awards for Best Performance by an Actor in a Supporting Role para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Oros.
Hindi raw nag-expect si Kristoffer na mananalo siya dahil pare-parehong magagalinga ang kanyang mga nakalaban mula kay Cesar Montano, Joross Gamboa, Ronaldo Valdez, Soxy Topacio, Neil Coleta at Joey Paras. Para raw sa kanya, ang ma-nominate a malaking achievement na. Kaya naman daw nang tawagin ang kanyang pangalan bilang nagwagi, hindi nito alam ang gagawin sa sobra-sobrang kasiyahan.
Kuwento nga ni Kristoffer na simula nang malaman niya na nominado siya ay halos araw-araw siyang nagdarasal at during the awards night ay kitang-kita naman namin itong nagdarasal habang binabasa ang mga nominado hanggang sa sabihin ang kanyang pangalan bilang nagwagi.
At sa lahat ng mga nominado sa nasabing kategorya sa 10 years ng Golden Screen Awards, si Kristoffer ang pinakabata, habang sa hanay naman ng mga co-Tweens nito, siya pa lang ang may major award na natanggap.
HALOS SOLD-OUT na rin ang solo concert ni Gerald Santos sa April 30, 8pm sa Music Museum entitled Gerald Santos (The Prince Of Ballad): Soaring High. Mga bagong kanta at maraming bago na makikita kay Gerald sa konsiyerto na ito. Mas matured dahil nagpalaki siya ng katawan para magpakita ng sa akin sa kanyang concert.
“Panibagong challenge na naman sa akin ito. Sabi ko nga, tingin ko ito ‘yung so far pinakamahirap kong concert na gagawin. Ang daming songs na iba’t ibang genres,” sey pa niya na aabot ng 20 songs ang mapapa-kinggan sa kanya.
“Hindi porke’t may title po akong Prince Of Ballad, ballad lang ‘yung maririnig nila, hindi po. Pop songs, rock, dance,” sey pa niya.
Special guests niya sa concert sina Rufa Mae Quinto, Joel Mendoza, Arnell Ignacio at Dance Squad Dancers. May mga hinanda raw siyang duet sa bawat guest niya. Sigurado raw siyang mapapalaban kay Rufa Mae dahil may sexy production number sila. Du’n daw makikita na matured na siya talaga.
“Right time na rin para medyo kumawala na du’n sa batang image,” bulalas pa niya.
Magta-topless ba siya? Underwear na lang ba ang maiiwan sa kanya?
“Abangan po nila. Abangan po nila ‘yung mga surprises na gagawin natin du’n,” bitin na sagot ni Gerald.
Samantala, katatapos lang nu’ng April 11 ang kontrata ni Gerald Santos sa TV5 at freelance siya ngayon. Pinag-araralan pa niya kung saan siyang network pupunta.
ISA NA namang show ang dapat abangan ngayong May 11, 7pm sa TV5, ang Tropang Kulit, na tatampukan ng 35 kids na may iba’t ibang talento at ng magaling na host/actress na si Gelli De Belen.
Tsika nga ni Gelli na depende sa galing ng bawat kids ang kanilang magiging exposure sa said show. Kapag nakita raw nila na mas magaling ang isang kid, pa-niguradong mas mapapanood ito nang madalas.
Ilan sa segment ng Tropang Kulit na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood ang Peace to Peace, Kidliit, E Biyahe, Tanongers, Sagoters, Itanong kay Butch, Idolo ko Sikat, Instacook, Ano ‘Toh? Payong Maliit at Detective Ed.
John’s Point
by John Fontanilla