MAMAMAALAM NA sa ere ang Sunday comedy show ni Eugene Domingo na ‘Dear Uge‘.
Ito mismo ang ibinalita ng award-winning actress sa kanyang Instagram account bago matapos ang taong 2021.
Narito ang kanyang love letter para sa loyal viewers ng kanyang weekly show:
“Dear loyal viewers, I hope you are celebrating the holidays with hope, faith and charity.
“Anyway, I would just like to share with you this…
“Our show premiered in Feb. 2016 and has been a part of many wonderful memories in my life since then.
“Thank you very much to everyone who has been a part of this show that surpassed all challenges encountered in keeping a show alive & exciting! But all things, even the good ones they say, have to end.
“Congratulations to the team! I hope to work with you again. Thank you so much @gmanetwork for the opportunity.
“Catch the last few episodes of Dear Uge in January 2022! Happy new year & Happy new beginnings, everyone! Yours, Dear Uge”
Sa nakalipas na anim na taon ay naging staple na ng Sunday viewing habit ng mga Pinoy ang panonood ng mga riot at funny episodes ng programa ni Eugene kaya naman marami rin ang nalungkot sa balitang ito. As of writing ay wala pa kaming nababalita kung ano ang papalit sa timeslot nito. Is it going to be the Philippine version of Family Feud o ang inaabangang Running Man Philippines? Si Dear Uge rin ba ang magiging main host nito? Riot ito for sure!
O, baka naman drama naman ang next project ni Eugene? Sa dami ng naka-lineup na new projects ng Kapuso network for 2022, hindi na kami magtataka kung si Eugene ang isa sa mga magbibida ito since its been a while since we saw her in a primetime serye. Siya kaya ang bida sa Raising Mamay na may interesting premise?
O baka naman ang kanyang personal life na ang pagtutuunan ng pansin? Magmi-migrate na ba ito sa Italy para makasama ang kanyang boyfriend?
I-enjoy natin ang last few remaining episodes ng Dear Uge this January!