AFTER WINNING Best Supporting Actor sa PMPC Star Awards For TV kamakailan para sa kanyang mahusay na pagganap sa Dugong Buhay at pagkatapos makapahinga ng isang buwan, balik-trabaho na si Arjo Atayde at ito ay sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na Pure Love na eere sa buwan ng Enero.
Doble saya nga raw ang nararamdaman ni Arjo, dahil makakasama niya ang kanyang showbiz crush na si Alex Gonzaga. Mahilig daw kasi ito sa Tsinita na katulad ni Alex, kaya naman nagka-crush ito sa dalaga.
Dagdag factor pa raw ang pagiging simple, mabait at kalog ni Alex kaya naman daw nagustuhan ito ng binatilyo ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez.
Kaya naman daw sa pagsasama nila sa iisang proyekto , mas gusto pa raw makilala nang mabuti ni Arjo si Alex .
John’s Point
by John Fontanilla