ATASHA MUHLACH, THE daughter of Aga and Charlene, will have her musical debut in the Philippine production of the musical play The Sound of Music. Gaganap siya bilang si Brigitta, ang isa sa mga von Trapp children. Sa musical stage play, si Brigitta ang pang-limang anak at hindi siya natatakot na sabihin kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Sikat talaga ang The Sound of Music dahil sa ganda ng istorya at mga kantang pinasikat nito tulad ng The Sound of Music, Edelweiss, My Favorite Things, Climb Ev’ry Mountain, Do-Re-Mi, Maria, Sixteen Going on Seventeen, at So Long Farewell. Kahit nga mga bata ay alam kantahin ang Do-Re-Mi. Sabi nga ni Maria, the hills are alive with the sound of music.
Ang The Sound of Music na kaya ang unang hakbang para pasukin ni Atasha ang mundo ng showbiz? Will she follow the footsteps of her famous parents? Hindi naman nakakapagtaka na maging interesado siya dahil dumadaloy sa kanyang ugat ang dugong artista. Atasha also has the looks and the talent. Noon pa man ay nakitaan na ng potensiyal si Atasha at ang kanyang twin brother na si Andres sa kanilang mga Jollibee commercials at television guestings.
Tinanong ng The Buzz si Atasha when she was at the backstage of the Newport Performing Arts Theater kung ano ang kanyang pakiramdam sa kanyang unang musical. “Just a little bit nervous and excited because it’s fun sometimes to perform onstage with my friends,” sagot niya. Tinutulungan daw siya ng kanyang mom sa mga songs at ng kanyang dad sa script. When asked if joining the musical is the start of her showbiz career, Atasha answered, “I’m not that sure about that yet.”
Iginiit din ni Charlene sa The Buzz that she and Aga will not yet allow Atasha to enter showbiz. “Marami rin ang nagtatanong sa amin kung papasok si Atasha sa showbiz, the answer is no.” Exception lang daw ang The Sound of Music because it is a once in a lifetime chance. “Kailangan niya munang mag-aral but I really want her to experience this (The Sound of Music), for her to grow, to build her confidence, to sing like Toni (Gonzaga) and KC (Concepcion),” dagdag ni Charlene.
Proud at very supportive si Charlene kay Atasha. Nakakatuwa nga ang kuwento niya nang samahan niya ito sa audition. Habang kumakanta raw ang kanyang anak ay naninigas daw talaga ang kanyang batok. Marahil ay dala ito ng nerbiyos lalo pa’t nakikita niyang marami ang nanonood kay Atasha during the audition. They waited for two hours before finally hearing the good news that Atasha was accepted to be part of the cast.
The Sound of Music will run starting October 15 at Resorts World Manila’s Newport Performing Arts Theater.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda