KUNG SA SCHOOL ay hinahangaan at kinaiinggitan ang mga straight-A students because they get all A’s on their report cards, sa showbiz naman ay sinasabing isa kang de-kalibreng artista kapag itinuturing kang A-lister celebrity. At kabilang dito sina Aga Muhlach at Angel Locsin na incidentally ay parehong nagsisimula sa letter A ang kanilang pangalan.
Itinatampok sina Aga at Angel sa pelikulang In the Name of Love which is Star Cinema’s 18th anniversary offering.
From the teeny-bopper characters he used to portray onscreen in the 80’s, Aga has emerged as one of the country’s finest and most bankable leading men. Iba ang taglay na karisma ni Aga – bata, dalaga, may asawa, bakla at maging tomboy ay tiyak na kikiligin the moment they see him. When you look at Aga, sometimes you think that life is not always fair. Tingnan ninyo naman kasi siya. Hindi pa rin kumukupas ang kanyang kaguwapuhan. Hindi nabago ng panahon ang boyish look niya. Kaya naman kahit sinong aktres ay puwede siyang i-pair.
His former leading ladies only have good words about Aga: Anne Curtis (When Love Begins) “Sir Aga is one of the most amazing leading men you could ever have in the Philippine industry”; Angelica Panganiban (A Love Story) “Never niya pinaramdam na superstar siya”; Lea Salonga (Bakit Labis Kitang Mahal at Minsan Lang Kita Iibigin) “He’s very generous as a leading man”; Aiko Melendez (May Minamahal) “[He’s a] brilliant actor”; Claudine Barretto (Dubai) “[He’s] very professional, he’s very deep pagdating sa acting talaga’; and Ai-Ai delas Alas (M3: Malay Mo Ma-develop) “Siya ang the greatest dramatic actor and leading man in Philippine history”.
Angel, on the other hand, is a beautiful young lady inside and out. Her name befits her kind-hearted persona. At pagdating sa pag-arte ay walang dudang she is a class of her own. Patuloy siyang nag-e-evolve sa kanyang acting at sa mga characters na kanyang ginagampanan. Kaya naman puro papuri rin ang mga tinatanggap ni Angel mula sa kanyang mga naging katrabaho: Sam Milby (Only You) “Hindi lang sa talent niya, hindi lang dahil magaling siyang umarte but sa pagkatao niya”; Diether Ocampo (Only You) “She’s very eager to learn. Walang masamang tinapay d’yan’; John Lloyd Cruz (Imortal) “Dedicated, sobrang hardworking”; and Piolo Pascual (Lobo) “Si Angel ang isang artista na masasabi ko talagang napaka-professional sa kahit na anong bagay. She always comes to the set prepared”.
Aga and Angel – their tandem spells box-office success. Bilib din sa kanilang professionalism si Direk Olive Lamasan, “With Aga Muhlach, he’s very intelligent, highly intuitive, very instinctive. With him, you always have to be on your toes. Si Angel naman [ay] matapang. Gusto niya maibigay talaga. She gives her 100%. Alam ko na napagod sila, nahirapan sila. May mga ilang beses na umiyak. But they never give up.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda