THEY SAY, EVERY time somebody dies, a child is born, so I thank the nigguh who gave his life for the birth of my son!” ‘Yan ang status ni Angelo Luigi Miguel Muhlach sa kanyang Facebook.
Confirmed: Lolo at lola na sina Aga Muhlach at Janice de Belen. Isinilang na si Alejandro Miguel Petil Muhlach nu’ng May 16, 10:11am. Siyempre, proud daddy si Igi Boy at proud mommy si Patricia Petil, kaya naman sa Facebook, parang hindi mapakali. He-he-he.
O, ‘di ba, sa’n kayo nakakita, si Aga Muhlach, lolo na, pero matinee idol pa rin ang dating?
TAMA ANG DESISYON ni Kris Aquino na hindi umalis ng bansa para sa abroad manirahan porke nakapagbitaw siya ng salita noon na ‘pag nanalo si Noynoy Aquino at kung nakakabigat siya kay Noynoy ay sa abroad na sila maninirahan.
Juice ko, hindi na kailangan. Tama na ang pagti-trip kay Kris Aquino. Kailangan silang magkakapatid ni Noynoy, kaya ‘wag nang pansinin ang mga gustong patalsikin siya sa Pilipinas.
NAKAKATAWA SI POKWANG. Biniro namin siya na siya na ang next na mag-a-Araneta Coliseum pagkatapos ng matagumpay na concert ni Vice Ganda.
Ginulu-gulo ni Pokwang ang buhok niya at hindi niya alam kung anong isasagot, “Masakit sa ulo ‘yan, mare, ‘wag mo muna akong pag-isipin!”
MERONG ISANG TEACHER na nag-email sa amin para ipagtanggol si Willie Revillame. Actually, ayaw niyang ipa-publish, kaya itatago na lang namin siya sa pangalang “Teacher Nelson.”
Ito ‘yung may kinalaman sa “Willie of Fortune” na ang mga guest ni Willie ay ang mga estudyanteng nakakuha ng markang 75. Ito rin ‘yung isyu na napikon si Willie at dineyr niya ang ABS-CBN na ‘pag hindi tinanggal si Jobert Sucaldito ay siya ang magre-resign.
‘Eto ang sulat.
“Isa akong Teacher at naniniwala ako sa ipinaglalaban nil Willie Revillame. Hindi ko alam ang email ad niya kaya through you and Ms. Cristy Fermin sana ay maiparating mo sa kanya ang email ko to inspire him. Pls do not publish my email kasi baka awayin ako ng mga anti-willie.
“Alam mo Willie, sa 17 yrs ko sa pagtuturo, naniniwala ako na ang mga batang may kahinaan ang dapat na bigyang pansin at motivation para higit silang magpursige sa kanilang pag-aaral.
“At alam ko na ang ginawa mong pagtatampok sa mga mag-aaral na may 75 na grado sa iyong show ay isang paraan para ma-motivate sila.
“For the record, karamihan sa mga students ko na may kahinaan noon at wala sa honor lists ay sila pa ang successful ngayon sa buhay. Minsan nga habang naglalakad ako ay may humintong kotse, iyun pala ay dati ko siyang student noon na ibabagsak sana ng Math Teacher nila pero ipinakiusap ko kaya pumasa.
“Karamihan din sa mga students ko na nagloloko noon at member ng frats ay sila pa ang mga pulis na ngayon. Para naman kay Joebert, kung babalikan natin ang history, ultimo si Einstein ay bagsak sa Physics class nila pero naging great scientist.
“Maging ang teacher na nagbagsak sa kanya ay hindi akalain na matutuklasan niya ang theory of relativity. Maging si Claro M. Recto ay bar flunker pero naging good leader. Hindi natin puwedeng husgahan ang mga bata habang nag-aaral pa dahil we cannot argue with destiny.
“For the record din, ang mga batang mahihina ay mga totoong tao, bigyan mo lang ng 75 ay hindi ka na kakalimutan forever. Samantalang ang mga batang matatalino, bigyan mo na ng 95 kapag nalaman nila na may kaklase sila na binigyan mo ng 96 o 97 irereklamo ka pa ng magulang nila.Kasi nga mga grade conscious.
“Maliit lang ang sinasahod ng teacher na ang kadalasang net take home pay namin ay halos P10,000 lang pero nagtitiyaga kaming magturo tulad ko kasi nga, ang mga batang may gradong 75 ang nagbibigay inspirasyon sa akin dahil kailangan nila ang motivation para magsikap tulad ng ginawa ni Willie na nagmotivate sa mga batang may kahinaan kaya itinampok niya sa kanyang programa. Mabuhay ka Willie at kaisa mo ako dyan.
More Power!
Teacher Nelson
Oh My G!
by Ogie Diaz