Aga Muhlach, ‘di pa rin iniiwan ang manager na si Ethel Ramos

CONTRARY TO a published item (hindi rito sa Pinoy Parazzi), nothing seemed professionally strange sa pagitan ni Ethel Ramos at ng kanyang alagang si Aga Muhlach.

Ito ang mismong nasaksihan namin nang papalabas na ang dalawa sa Teatrino after the 9th Golden Screen Awards for Movies where Aga was adjudged Best Actor. Although seated several rows apart, ang paglabas nina Tita Ethel at Aga with wife Charlene Gonzales only belied rumors na nagsanga na sila ng landas.

Tita Ethel’s show of support for Aga only validated na walang namumuong problema sa kanila. Kung kilala rin ng publiko ang aktor, he is not one who will just turn his back on an important woman in his life next to Charlene.

Tuwang-tuwa naman si Tita Ethel na first time makapanood ng awarding ceremonies na taun-taong inilulunsad ng grupong Entertainment Press Society, Inc. o EnPress. Unlike most if not all awards nights, the Golden Screen—both for TV and for movies—has no TV coverage attended by smart-casually dressed celebrities and audience alike, minus the formalities nor affectations.

STILL ON the Golden Screen Awards for Movies, except for the winners in certain categories na kabilang sa pelikulang Asiong Salonga, umakyat sa entablado ang mga nagwagi.

ER Ejercito’s film bio earned two awards for Best Production Design and Best Cinematography, yet no representative from the movie was anywhere to receive the trophies. Matatandaang ang mismong publisista ni ER ang nagpanukalang wala siyang pasisiputin ni isa sa produksiyon ng Asiong Salonga in retaliation of his client’s non-nomination in the Best Actor nominees’ list.

However, bago pa ang araw na ‘yon ay nakarating sa kaalaman ng EnPress na hindi na raw saklaw ng publisistang ‘yon ang kanilang pagdalo o ‘di pagdalo. But bad weather got in the way, nauunawaan ng writers’ group kung hindi man nakasipot ang ilang mga kabahagi ng pelikula ni ER.

Inanunsiyo rin kasi ng publisistang ‘yon na hindi raw makararating si Nora Aunor para personal na tanggapin ang ipagkakaloob na Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement Award. Teka, bakit damay pati si Ate Guy sa kanyang pag-atake sa EnPress gayong ang sentimyento naman niya ay nanggagaling sa Asiong Salonga at hindi ang isang pelikula ni ER with the Superstar?

Anyway, wala na sigurong maipupuntos pa ang publisistang ‘yon laban sa EnPress dahil dininig ang kanyang answered prayer sa pagkatuwa na hindi nasungkit ni Dingdong Dantes ang Best Actor trophy that he (the PR man of ER) earlier suspected na siyang magwawagi out of an internal massive lobbying.

This should put to rest feelings of sourgraping.

IN ITS weeklong second anniversary celebration, hatid ng Face To Face ngayong Miyerkules ang unang bahagi ng kuwentong Mataas Ang Pride, Kahit Magutom Ay Hindi Hihingi Ng Tulong. Taped in Barangay San Roque in Cebu City, tampok ditto si Evelyn, ang sinasabing siga raw sa kanilang lugar.

Still in Barangay San Roque, abangan bukas ang episode na pinamagatang “Wala Ka Kasing Kuwenta Sa Kama Kaya Asawa Mo, Sa Akin Nagpapakaligaya! Sigaw ni Joy, wala raw kakahayan si Nica na paligayahin ang asawang si Windell sa sex. Pinagsabihan naman ni Tyang Amy Perez ang isa sa dalawang tagaawat dahil muntik na siyang tamaan nang magpang-abot ang mga bida sa kuwentong ito ng pagta-taksil.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleCelebrities, dagsa sa audition ng reality game show!
Next articleToni Gonzaga, sumusunod na sa yapak nina Yeng Constantino, Charice Pempengco at Aiza Seguerra?!

No posts to display