OLA CHIKKA! Nakakabaliw na talaga ang mga pasaring ng mga kalaban sa pulitika, lalo na ang ilang artistang nag-iillusyong pumalaot sa pulitika, na sunud-sunod ang banat hindi lang sa kanyang lugar na gustong paglingkuran, bagkus ang mga kalaban niya sa pulitika na lehitimong doon na inugatan at tinubuan ng saka ang kani-lang angkan.
Dumako na tayo sa kalagayan ngayon ni Aga Muhlach. Panay-panay ang banat maging ang Comelec na ay nagpasya na para ma-disqualify ang kandidatura ni Aga Muhlach sa Bicol.
At ito ang sinabi ng aking isa sa mga parazzi girl name Xixi na talagang hindi mo siya masisisi. Kasi ‘yon ay opinion niya, kayo ang humusga kung may tama siya.
“Yes, Aga Muhlach for barangay captain… yes, chiririt miso miso, minu-muhlach ang earth sa kagagahan mo, ‘di bah bagay sa ‘yo ang terminong ‘yan?
“Bakit kasi ang lakas ng kutob mong may pag-asa ka sa pulitika samantalang diskarte mo pa lang, eh semplakangkang na! Wala bang nagpayo sa ‘yo o nambola man lang na dapat ku-miss da ground muna ang beauty mo, bago ka mamayagpag sa mataas na burol?
“Hello! ka rin, kasi alam mo dapat taos-puso mong pinaghandaan ‘yang balakin mong ‘yan. SANA as in SANA, ay may twenty years kang umuwi, nagpabahay, at namalagi sa sinasabi mong iyong hometown. Nagpakalat ka ng kagandahang-loob at sinipat mo ang malalim na suliraning panlipunan doon at pinakialaman.
“Sa ganu’ng paraan ay wala sa-nang BUTAS na masisilip sa adhikain mong maging legislator. Nag-iwan kasi ng masangsang na lasa sa dila ng mga tagaroon, na bigla mo silang aangkining kababayan, nagpatayo ka ng bahay at ta-takbo kang legislator. Hello! Saan ba ang Kongreso? ‘Di ba sa Kamaynilaan? Entonses, ‘pag nanalo ka, sa Maynila ka rin mamamalagi at hindi mo dama ang tugmang pintig ng mga konstituwentong iyong sinasabing pagsisilbihan.
“’Wag ka sanang pabigla-bigla chiririt. Huwag agad matayog ang dating. Dapat pagsabihan mo muna si Aga na tumakbo munang barangay captain sa San Jose, Camarines Sur upang madama niya ang trulalung Bicolano, at mapag-aralang maigi kung papaano sila mabibigyan ng tamang serbisyo! Go!”
Say n’yo mga Bicolano na pag-iriba ko, kayo ang magpasya.
SPEAKING OF maloloka, kasi last Friday sa aking column, dito sa Pinoy Parazzi, may ilang awardee ng Gawad Amerika ang aking nasagasaan, at kasamahan ko pala rito. Tungkol iyon sa sinabi kong hindi deserving ang mga pinagbibigyan ng award.
Pero in fairness, may ilan namang talagang karapat-dapat doon. To name a few nga, nariyan si PAO chief Atty. Persida Acosta, na kahit hindi na bigyan ng award ‘yan, talagang maasahan ang kanyang public service. Nandiyan din si Raffy Tulfo na kaibigan ko rin, kahit na si Sen. Jinggoy Estrada, Vice-Mayor Isko Moreno, at Vice-Gov. Daniel Fernando.
Humihingi po ako ng paumanhin sa mga awardee na talagang karapat-dapat naman talaga. Kaya lang doon sa iba, sorry hindi ko sila kilala sa 45 years ko sa industry. My apologies po, respetado ko po ang mga ito.
TAMA! KARESPE-RESPETO rin ang gaganaping premier night ng Talo, Tabla, Panalo, isang pelikulang trilogy. Sabi nga ni Direk Buboy Tan, alin ang sa ‘yo?
Tatampukan po ito nina Kuya Germs sa Talo, Eddie Garcia sa Tabla, at Boots Anson-Roa sa Panalo. Kasama po ako rito sa episode na Tabla. Isa po itong advocacy film.
Sana po manood kayo sa AFP Theater, Nov. 15, 6pm. Ito ay produce ng AmyTony Foundation sa pamamahala ni Chito Alcid na siyang punong-abala sa premiere night.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding