Mukhang malabo nang pasukin pa ni Aga Muhlach ang mundo ng pulitika, na tila na-trauma na nang tumakbo ito at matalo noong 2013 elections.
Nang matanong kasi ito sa kanyang solo presscon bilang hurado sa “Pinoy Boyband Superstar” ng Kapamilya Netwrok, mabilis nitong sinagot ng “No!” ang tanong kung may balak pa ba siyang tumakbo sa sa mga susunod na eleksiyon.
Ayon nga kay Aga, “No! No! I just saw that part of my life na parang you wanted to help, and experience it, but then, sayang. Basta, nakita ko ‘yun. ”
Hindi naman daw sa na-trauma siya, kundi ayaw lang daw niyang tumakbo muli.
“Hindi, hindi ako na-trauma. Nakita ko lang ‘yung tunay na istorya.”
“I always wanted na, if they do it… then, I did it. I learned so much from it, not in life, because okey naman ako sa buhay ko,” pagtatapos ni Aga.
Voices The Concert naging matagumpay!
NAGING MATAGUMPAY ang Aug. 24 , concert na The Voices na ginanap sa Zirkoh, Tomas Morato, Q.C. ng Pinoy international singer na si X Factor Israel Rose “Osang” Fostanes, X Factor USA Angel Bonilla with Michael Pangilinan, Marika Sasaki, Idolito Dela Cruz, at Four Dimensions.
Biritang umaatikabo ang naganap lalo na’t pare-parehong mahuhusay na singer ang nagsama-sama sa nasabing konsiyerto.
Nakasama rin sa The Voices sina Mei Cruz,“The Fabulous Girlfriends, Brat Boys, at Zero Ground. Ito’y sinuportahan ng BeautéDerm, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Fernando’s Bakery, Ysa Skin and Body Experts, Erase Placenta, UniSilver Time, Sogo Hotel, at New Placenta.
John’s Point
by John Fontanilla