AFTER NG pagkatalo sa nakaraang eleksyon sa Camarines Sur, nagpaparamdam ang aktor na si Aga Muhlach. May katabaan siya ngayon, kuwento ng manager na si Manay Ethel Ramos. Nagpapapayat siya bago makabuwelo muli sa showbiz.
Kaya nga si Quezon City Mayor Herbert Bautista, naghihintay sa panunumbalik ng dating “hunky” built ng aktor para masimulan na ang pagsasama nilang muli sa pelikula.
Kuwento nga ni Mayor Bistik as film producer of Heaven’s Best Entertainment, plano niyang i-revive ang pelikulang Bagets na naging hit at nagpasimula ng bagets look during the ‘80s.
Ngayong aktibo ang Bautista siblings (Herbert, Hero and Harlene) with their film outfit; all out sila sa mga susunod na panahon na mag-produce ng pelikula at kabilang na nga ang Raketeros na first movie directorial job ni Randy Santiago na showing na this Wednesday.
Ang kontrobersiyal film ni Joel lamangan na Burgos na pinagbibidahan ni Lorna Tolentino na tungkol naman sa buhay ng nawawalang si Jonas Burgos at ang ina nito na si Editha at ang kuwento ng mga “desaparecidos”.
“I just hope maging successful ang projects namin so I can help in my own little ways sa movie workers,” kuwento ni Mayor Bistik sa amin.
Reyted K
By RK VillaCorta