NAKAKAAWA naman ang aktor na si Aga Muhlach dahil sa statement niya on Senator Trillanes nang mag-guest sila ni Bea Alonzo last week sa Gandang Gabi Vice to promote their film “First Love” ng Star Cinema.
Sa social media account ni ‘Ang Lagalag’ ay una namin nabasa ang opinion ng isa sa komentarista sa social media na hindi sangayon sa pamalakad ni Pangulong Duterte.
Sa FB account ni Ang Lagalag, bumandera ang titulo na “Aga Muhlach galit sa mamamayang nag-iisip?”
Nang bigyan ng actor ng kanyang reaksyon ang picture ni Sen. Trillanes, say ni Aga: ”Dapat sumuporta ka na lang kay Pangulong Duterte dahil ginagawa niya naman ang lahat.”
Pero inisa-isa ni Ang Lagalag ang mga isssues na dapat maintintindihan ni Aga at ng ibang mga tao.
Sinulat nito: “Maging bingi sa daing ng mga kapatid nating moro na nagtatanong kung nasaan na ang Marawi Funds at Marawi rehabilitation?
“Maging bulag sa P60M na tinira ng mga Tulfo o sa P120M ng PCOO? Manahimik sa bilyon- bilyong shabu na nakakapuslit sa Custom? Maging manhid sa walang pakundangang pagpatay sa ngalan ng war on drugs ni Duterte?
Pagpapatuloy niya sa kanyang FB post: “Paano ba mananahimik kung milyon nating kababayan ang dumaraing ng dahil sa pahirap na TRAIN Law habang ang mga mambabatas abala kung paano nila ikukubli sa panukalang budget ang pork barrel nila?
“Ang daming maiinit na isyung kinakaharap ang bayan: militarisasyon, pagsalaula sa mga democratic institutions, pagpapalaya at pagbabalik sa posisyon ng mga mandarambong,inflation pero manhid ka at wala kang makita?
“Since malayo naman sa realidad ng ating lipunan ang laman ng utak mo (Aga), tama lang AGA na wag ka nang pumasok sa pulitika. Manatili ka na lang sa showbiz, gumawa ng pelikula, lunurin sa ilusyon ang mamamayan at nang makalimutan ang kalam ng kanilang mga sikmura at inhustiya…
“Kung di mo alam ang salitang accountability, AGA.. pwede ba kunting malasakit lang sa maliliit?”
Sa ganang akin, Ang pagpuna ay hindi pag-atake. Hahayaan mo na lang ba ang pagwawaldas, pagnanakaw at pangaabuso? Kung pagod ka na Aga may mga tao pa rin na patuloy na magbabantay at naninindigan. At ikaw Bea, wag na makisawsaw kung hindi mo alam ang sitwasyon ng bansa. Mag-aral bago makialam.
I just hope na ang current situation ng bansa ay maging interesting sa dalawa at sa ibang mga showbiz personalities para pagaralan at makapag-impluwensya para sa ikabubuti ng nakararami.
As of this writing, wala pa reaksyon ang aktor mula sa isyu.
Reyted K
By RK Villacorta