AGA MUHLACH, PIPILITING ABUTIN NG UTOL ANG KASIKATAN

BONGGACIOUS SI DINGDONG Dantes dahil hindi lamang humahataw ang career ng guwapong premiere actor ng Kapuso Network, with a hit series na I Heart You Pare, kundi dahil hindi rin ito nakakalimot sa kanyang social responsibility bilang isang Pinoy celebrity.

Nu’ng isang taon pa pinaplano ng YesPinoy Foundation ni Dingdong ang isang worthwhile project na ‘Para Paaralan’ na naglalayong makatulong sa mga less fortunate nating mga kabataan sa kanilang edukasyon.

Isa itong roving bus caravan na iikot sa mga lugar o probinsiya (na markado ng Department of Health na dapat tulungan) upang magturo ng basic education sa mga batang kapuspalad o ‘yung mga walang perang pang-aral.

May grand launching at fundraising ang ‘Para Paaralan’ ni Dingdong sa February 27, Linggo, sa NBC Tent sa The Fort at sa imbitasyong ipinadala ng YesPinoy Foundation ay pirmado ito ni Dong mismo bilang Chairman at ni Joseph Aguilar bilang Executive Director.

Nakakatuwa si Dingdong dahil kahit busy ito sa kanyang showbiz commitments, may time pa rin siya sa mga makabuluhang projects tulad nito para sa mga kabataang na-ngangailangan.

Samantala, happy ang GMA-7 sa magandang performance ng I Heart You Pare sa ratings, kaya natutuwa rin si Dingdong, Regine Velasquez-Alcasid and company sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa nasabing romantic-comedy series.
TULUY-TULOY LANG ang bonggang business partnership ng Viva Entertainment with TV5. Maliban sa hit sa masa na Wiling Willie ni Willie Revillame, next in line na ang Viva-produced TV shows ng nasabing kumpanya para sa Kapatid Network.

Ang Bagets na blockbuster teen film noong ‘80s na produced ng Viva ay may TV version na. Kumpirmadong kasama sa cast si AJ Muhlach, kapatid ni Aga Muhlach. It would be recalled na isa si Aga sa original cast ng movie version, at ngayong 2011, sa TV version nito’y ang kapatid naman ang ka-join sa cast.

Si AJ ay kapatid ni Aga kay Cheng Muhlach na unang nabigyan ng exposure bilang miyembro ng XLr8 boyband na handled by Viva group of companies. Kumbaga, kung ang kuya ay nasa movie version, ang nakakabatang kapatid naman ni Morning ang nasa TV version.

Si AJ at si Hideaki Torio (ng Master Showman Presents) ay ipu-pull out na sa XLr8 dahil magte-taping nga for Bagets ng TV5. Ganoon din sina Nadine and Shai (ng Pop Girls) ay aalisin na rin ng Viva sa grupo dahil pasok rin sila sa Bagets.

Anyway, kasama rin sa Bagets si Eula Caballero, ang grand winner ng Star Factor na artista search ng TV5, na may sarili na ring show, ang Luv Crazy tuwing Linggo after PO5 na papalitan naman ng Funtastiks sa mga susunod na linggo.
TOTOO KAYA NA inaawitan ng TV5 na makuha nila si Direk Mark Reyes to direct Bagets?

Hindi kami sure if may network contract si Direk Mark with GMA 7 o wala, pero alam na-tin sa Kapuso newtork siya identified, dahil dito siya nakilala at patok ang mga dinidirek niyang shows.

It will be recalled na si Direk Mark ang nagdirek, at nagpasikat, ng TGIS noong 1990s at dito nga nakilala ang mga pangalan nina Dingdong Dantes, Angelu de Leon, Bobby Andrews, Onemig Bondoc, etc.

So, pagdating sa teeny-bopper TV shows, gamay na ‘yan ni Direk Mark noong 1990s pa and tingnan natin kung “kagatin” ni Direk ang offer na ito mula sa TV5. O tinanggap na in principle at magpipirmahan na lang?

For your comments, please e-mail us at [email protected]

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleEUGENE DOMINGO, PUWEDE NA SA TRONO NI AI-AI DELAS ALAS
Next articleDAHIL IPALALABAS SA IBANG BANSA… SINGING VOICE NG YOUNG ACTRESS SA KOMERSYAL, IPINA-DUB ULI!

No posts to display