“I think I’m more comfortable with that because I’m working with good, talented people.”
Ito ang naging pahayag ni Aga Muhlach kaugnay sa pagiging hurado ng Pinoy Boyband Superstar kasama sina Vice Ganda, Sandara Park, at Yeng Constantino.
“It’s not hard. Iba ‘yung if you have your show, ikaw ang magdadala, ikaw lang mag-isa. Ito, batikan lahat [ang makakasama ko, It makes life easier for me. I’ll just be real and honest even if it hurts. I will just be me.”
At ang pagtaba raw nito ang dahilan ng pagkawala nang 3 taon sa showbiz.
“First and foremost with my weight issue. I’ve got to prepare for that. That’s the hardest part. So. ongoing ito.
“So hopefully, by next month again, while waiting for the second part, I’ll get thinner and thinner. And when you get thinner and thinner, you feel better and better,” dagdag pa ni Aga na pumirma muli ng kontrata sa Kapamilya Network kasama sina ABS-CBN President & CEO Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, Head of Finance for Broadcast and Integrated News and Current Affairs Cat Lopez, at ang manager ni Aga na si Ethel Ramos.
Tyrone Oneza, hit na hit sa Pinoy music lover ang bagong single
SURE HIT ang bagong pino promote na single ng tinaguriang “King of Facebook Wheel of Fortune” na si Tyrone Oneza na “Dito Sa Aking Piling”, mula sa komposisyon ni Vehnee Saturno.
Bukot sa maganda ang lyrics at mensahe nito, maganda pa ang melody nito. Kaya naman marami na ang nagkakagusto sa awitin na ito ni Tyrone.
At sa pagbabalik nga nito sa bansa, magiging puspusan na ang kanyang promotion ng nasabing single nang sa gayon ay mas maraming Filipino ang makasasabay nitong awitin ang nasabing kanta.
Happy nga si Tyrone dahil maganda ang feedback sa kanyang bagong single at isa pa nga sa nagpapasaya rito ay ang paglobo ng bilang ng Tyronatics. Dumarami na nga ang supporters ng napaka-generous na singer na patuloy pa ring nagsi-share ng kanyang blessings sa mga kababayan nating Pinoy sa pamamagitan ng pamimigay nito ng pera (Euro) at gadgets sa kanyang “Facebook Wheel Of Fortune”.
Voyztrack, muling magpapakilig sa P-Pop Boy Groups on Tour 4
Muling magpapakilig ang grupong Voyztrack sa gaganaping P-Pop Boy Groups on Tour sa August 28 sa Starmall Alabang, hatid ng Starmall, Ysa Skin and Body Experts, Aficionado Germany Perfume, UniSilver Time, at New Placenta.
Ang Voyztrack ay kinabibilangan nina Justine Caputulan, Aces Hernandez, at Mario Atienza at mula sa pangangalaga ng kaibigan naming si Aldrin Cacayan.
Isa ang Voyztrack sa sikat na grupo sa Laguna at ngayon ay gumagawa na rin ng pangalan at nakikilala na sa Manila dahil sa galing umawit.
Naging matagumpay nga ang kanilang 1st Anniversary Concert na dinaluhan ng kanilang libu-libong tagahanga sa Laguna.
Pangarap nga ng grupomg Voyztrack ang sumikat, makilala, magkaroon ng sariling sikat na kanta at album. Gusto rin daw ng mga itong makapag-concert sa Araneta Coliseum at MOA Arena in the near future .
Singer na si Hannah Nolasco, nag-debut via masquerade party
Bongga at napaka-engrande ng celebration ng 18th birthday ng singer na si Hannah Nolasco na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La na may temang “Masquerade Dinner Dance Ball”, hosted by Alex Diaz.
Bonggang production number sa saliw ng awitin mula sa “Phantom of the Opera” ang hudyat ng pagsisimula ng kaarawan ni Hannah, choreographed and directed by Rogil Flores ng Kagandahang Flores.
Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa pagpasok ni Hannah suot ang magarang gown ni Mama Rene Salud escorted by Hashtag member McCoy de Leon.
Isang awitin naman ang inihatid ng singer/actor na si Miguel Aguila sa pagsisimula ng 18 candles at isa pang awitin sa pagtatapos nito.
Nagbigay naman ng awitin sina Sophia Hanabi, Mark Mabasa, Garth Garcia, at maging ang debutant na si Hannah para sa kanyang pinakamamahal na Daddy.
Habang nag-serenade naman ng Kapamilya actor na si Elmo Magalona kay Hannah suot ang magarang red gown na mula sa disenyo ni Gideon.
John’s Point
by John Fontanilla