NAKATAKDANG HUMATAW SI Aga Muhlach sa bago niyang home network, ang TV5.
Matatandaang a few months ago ay nagpaalam na ang guwapong aktor mula sa 20 years old niyang pagiging loyalistang artist ng ABS-CBN, kahit na per project lang ang kanyang contract dito (except for the first 2 years, kung hindi kami nagkakamali), at nagdesisyong lumipat to TV5.
Natatandaan naming sinabi ni Aga sa press tungkol sa kanyang contract signing, “Ang kaibahan ng direction ng TV5, they want to come up with a good show first before they think of the ratings.
“At ang feeling ko, ‘yun ang tama. If puro ratings lang, sayang. Hindi kami (mga artista) robot para utusan,” makahulugang pahayag ni Aga.
Heto na nga at after ng contract signing nu’ng April, all is set ang Kapatid network sa pag-hahanda sa taping ng new show ni Aga sa Singko, isang franchise show mula sa ibang bansa, na ayaw pang i-reveal ng TV5 people.
Pero sa isang chikahan namin with Perci Intalan, TV5’s head of entertainment, say nito, “We’re preparing to shoot Aga’s show. Just waiting for visas for everyone, kasi, iba-ibang lugar abroad ang shoot namin. That’s all I can say muna.”
Talbog kung talbog kung ganon, at true nga na hindi lang basta-basta dito sa ‘Pinas ang taping ng new show for Aga, kundi different countries abroad, na siyempre pa, since kailangan ng visa ng production staff, eh hindi lang basta Asia ‘yun, huh!
Very excited siyempre si Aga sa panibagong yugto na ito sa kanyang career as a major star. Kung dati ay puro mga sitcoms ang naipagkatiwala sa kanya ng former station niya, ngayon nga’y abroad pa ang shoot nila ng new reality show, and deserving naman ang alagang ito ni Manay Ethel Ramos, of his stature.
Sa totoo lang.
ISA PA SA kasabayan ni Aga na type namin ang ugali pagdating sa pagtanaw ng utang na loob ay si Richard Gomez.
Ito ay nang mapakiusapan namin siya, in behalf of the PMPC, upang maging presenter kay Mother Lily Monteverde, sa lifetime achievement award ito sa 27th PMPC Star Awards for Movies held recently, ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera.
Naunang i-intro nina Snooky Serna at William Martinez ang glory days of Regal Entertainment, kung saan sila nagsimula, at si Goma ang solo na nag-introduce kay Mother Lily, na may personal touch din ang speech.
It must be recalled na ang isa sa earliest movies ni Richard ay ang Inday Bote with Maricel Soriano under Regal na humataw sa box office. At ilang Regal movies din top-billing Goma ang kumita at pinapurihan ng critics.
Naisip namin, kung nabubuhay nga lang ang disco-verer-mentor ni Goma na si Tito Douglas Quijano, eh siguradong tuwang-tuwa at proud itong makita ang kanyang alaga na nagpi-present ng pinakamataas na karangalang ‘yun sa gabi ng parangal ng Star Awards for Movies.
Thank you, Goma!
NGAYONG GABI NA, June 27, Lunes, 8 PM ang inaaba-ngang premiere night ng Pinoy sex-comedy na Kape Barako sa UP Film Institute sa UP Diliman, Quezon City.
It stars Johnron Tañada, isang hunky actor na nagba-balik after magpahinga sa indie scene for a year. Kasama niya ang bantog na designer na si Frederick Peralta, pati na sina Afi Africa, Joyce Acorda, at introducing sina Miko Pasamonte, Marcus Aboga, at Allan Stevens.
Napanood na namin ang buong pelikula at tawa kami nang tawa! It’s a hilariously sexy film na hindi dapat palampasin ng mga gustong mag-enjoy lang in watching an orig Pinoy film, directed by Monti Parungao (his best film to date) at script from Lex Bonife.
Tickets at P200 na available at the gate, pero for re-servations, you can contact Kiko at 0917-9119414… Approved without cuts po ito, R-18 rating, at alam n’yo na kung bakit!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro