ISANG TAO na very close kay Aga Muhlach ang nagbulong sa amin… tatakbo raw bilang Congressman sa Camarines Sur ang aktor sa susunod na eleksiyon.
At hindi naman ito itinanggi ni Aga nang matanong namin last Saturday when she attended the recently concluded Golden Screen Awards ng Enpress (Entertainment Press Society) kung saan nanalo siyang best actor.
“Nag-rehistro na ako roon,” aniya. “You know, for one… kasi tagaroon naman talaga kami, ano? So parang… para maiba naman.”
Hindi pa raw siya sigurado. But he is really entertaining the idea of getting into politics daw nga.
“Yeah… of course! I mean, why not? Tagaroon kami. Tingnan natin. Honestly I’m really considering it. So kung magi-ging maganda ang opportunity. At makakagawa tayo ng maganda talaga roon… makabalik naman tayo sa pinanggalingan ng magulang ko. So, bakit hindi, ‘di ba?”
Magagawa ba niyang isakripisyo ang kanyang showbiz career kapag nagkataon?
“Tingnan muna natin. Iisa-isahin ko muna. Hindi ko pa alam, e.”
Hindi madaling desisyunan na i-give up ang kanyang showbiz career kapalit ng politics. Kaila-ngan talaga niya itong pag-isipang mabuti.
Lalo pa ngayon, muli na namang siyang nabibigyang-parangal dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Matapos manalong best actor sa PMPC Star Awards For Movies at Golden Screen Awards ng Enpress para sa mahusay niyang pagganap sa In The Name Of Love, may mga nagsasabi pa nga na hindi malayong maka-grandslam siya for this year’s awards season.
“Naks!” tawang reaksiyon niya. “Ang sarap naman! Sana. Pero kung hindi naman, okey rin lang. Basta… maraming salamat sa mga nagri-recognize sa nagawa kong trabaho,” nakangiting sabi pa ni Aga.
KITA NAMIN sa mukha ni Nora Aunor kung gaano siya kasaya matapos tanggapin ang Lino Brocka Lifetime Achievement Award na ipinagkaloob sa kanya ng Enpress (Entertainment Press Society) sa katatapos na Golden Screen Awards nitong Sabado, March 24.
“Maraming salamat sa Enpress,” masiglang nasabi nga ng Superstar sa isang maikli at mabilisang panayam namin.
“At nais kong ihandog ang karangalang ito sa lahat ng mga fans, sa lahat ng nagmamahal sa akin, at sa pamilya ko.”
Dagdag inspirasyon na naman daw ito para kay Ate Guy. Lalo at may gagawin daw siyang indie film na ididirehe ni Brillante Mendoza.
“Sa April 14 po ang shooting namin. Sa Tawi-Tawi ang location ng pelikula.”
Nakatakda rin daw siyang bumalik ulit sa Amerika para sa operasyon ng kanyang lalamunan. Pero hindi sinabi ng aktres kung kailan.
“Na-check up na ako ng doktor. Kaya kailangang bumalik ako.”
Napakalaking halaga raw ang kakailanganin para sa nasabing operasyon.
“Totoo ‘yon. Kaya pinag-iipunan ko pa ‘yong ibang kakaila-nganin para sa gastusin.”
Ayaw nang idetalye ng aktres kung magkano ba talaga aabutin ang gastos.
“Malaki!” Natawang sabi na lang niya. “Sobrang laki! Operation talaga ang gagawin sa akin. Kaya lang malalim… ‘yong vocal chord walang napinsala. Pero masyadong malalim ‘yong tinamaan,” patungkol ni Nora sa napabalita noon na dahilan kung bakit na-damaged ang kanyang vocal chord.
“Kaya kailangang maoperahan na muli.”
Masakit daw talaga para sa kanya ang nangyaring pagkasira ng kanyang boses. Pero nangyari na raw. Wala na raw siyang magagawa pa.
What cheers her up daw ay ang mga Noraninas na nandiyan pa rin at hindi nagsasawa sa pagsuporta sa kanya.
“Sa kanila na lang ako humuhugot ng lakas. Bukod sa pamilya ko at iba pang mga nagmamahal sa akin,” nasabi pa ng Superstar.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan