MAY COMMUNICATION si Aga Muhlach at ang bida sa Korean hit movie na Miracle In Cell No. 7 na si Ryu Seung Ryong na ginawan ng Pinoy adaptation ng Viva Films at mapapanood simula Dec. 25 bilang isa sa official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival.
Textmate daw sila ng Korean actor ayon mismo kay Aga.
“As a matter of fact, we texted each other. Seriously, we’re kind of in constant communication now. As a matter of fact, we’re inviting him for the premiere,” kuwento pa ng aktor.
Hindi naman sinigurado ni Aga kung makakapunta nga ng premiere night ng Miracle In Cell No. 7 sa ‘Pinas si Ryu Seung Ryong. Depende pa raw ito sa magiging schedule ng Korean actor.
Sa palitan ng kanilang text message ay sinabi rin ni Aga sa Korean actor na, “I even told him, ‘You were an inspiration.’ Kasi yung pelikula niya is not just him or the stars, but yung istorya — father and daughter, hardened criminals, how it changes people, how it changed everyone.
“So, tamang-tama for the festival, di ba? Parang sinabi pa niya, ‘I’m gonna help promote your film, even in Korea.’ Sabi ko, sana mag-showing kami sa Korea. I think we’ll also show in Korea, I think so,” deklara pa ng aktor.
Sa Pinoy adaptation ng pelikula ay makakasama ni Aga sina JC Santos, Bela Padilla, Joel Torre, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, John Arcilla at ang bibo at very talented na young actress na si Xia Vigor. The film is produced by Viva Films and directed by Nuel Naval.