LABIS NA ikinatutuwa nina Agot Isidro at Cherie Gil ang muli nilang pagbabalik sa Kapamilya network para sa teleseryeng Muling Buksan Ang Puso na pinagbibidahan ng tatlo sa pinakabagong Primetime Idols na sina Enchong Dee, Enrique Gil at Julia Montes.
Inamin nina Agot at Cherie na hindi pa dumarating si Mr. Right para muling buksan ang kanilang puso sa ngalan ng pag-ibig. Para kay Cherie, hindi pa raw nababawi ng magaling na actress ang may hawak ng susi sa puso niya. Maging si Agot ay umaasa pa rin na muli niyang matatagpuan ang lalaking totoong magmamahal sa kanya sa tamang panahon.
Ikinuwento nina Direk Nuel Naval and Manny Palo kung papaano nila nabuo ang istorya ng nasabing soap. Taun-taon namang nagpro-produce ang ABS-CBN ng mga makabuluhang teleserye. Lalo na ngayon, in celebration of 60 years of television. Hindi lang ito ang pinakamalaking soap ng taon. Pinagsama-sama nila sa isang teleserye ang mga pinakamahuhusay na artista sa Kapamilya Network kaya’t masasabi nating kakaiba, bago. Kailangang malagpasan nila ‘yung mga nagawa na nilang soap in the past. Hopefully, ito na raw ‘yun.
Nahirapan ang dalawang maestros directors of the new-age Pinoy soap operas idirek ang ganitong kalaking cast. Every day it’s a big challenge sa parte nina Direk Nuel at Manny. Bawat artista kailangang bigyan ng kani-kanilang moment para lalong magpaganda ang takbo ng istorya.
Maraming peg, maraming challenges, maraming pinaghahandaan. Location nila sa malayong lugar (San Juan, Batangas, Tagaytay, at Antipolo, Rizal) 3 to 4 hours a day ang biyahe para lang makarating sa set. Hindi nila alintana kahit umuulan at maputik, tuloy ang taping. Ang mga artista, 3 a.m. bumibiyahe na papunta sa location. Dahil gusto nilang mapaganda, inaabot sila early in the morning. Tulad ni Ms. Susan Roces, pack-up siya ng 5:30 in the morning, walang complain, napaka-professional. Kailangang pakiusapan si Ms. Pilar Pilapil para matapos ang kanyang mga eksena na inaabot ng 3 a.m. Pumapayag naman sila, ayon kina direk.
Kung pakatititigan natin si Julia, maaga itong nag-mature kahit magkasing-edad lang sila ni Kathryn Bernardo kaya’t puro serious role ang napupunta sa kanya. Katuwiran niya, “Ang totoo, one year older naman ako kay Kath and physically, kung titignan kami ni Kath, parang mas matanda akong tignan, aminado ako. Siguro dahil may lahi rin ako, kaya ang bilis kong mag-mature ng hitsura. Excited ako sa show namin kasi du’n ninyo makikita na bata pa ako. Bumalik ‘yung edad ko rito. Kasi, ako ‘yung tipo na kapag naayusan na, nag-iiba ang itsura. Dito si Julia, eighteen.”
Palibhasa sunud-sunod ang TV at movie project ni Enchong kaya nasasabihan itong paborito siya ngayon ng ABS-CBN. “Hindi sinasadya ‘yung mga pangyayari. Supposedly, mauuna ‘yung ‘Tuhog’. Hindi magtugma ‘yung schedule ko. Kaya kong magtrabaho na hindi natutulog. Kaya ko ring magtrabaho na mainit na hindi nakaligo. Walang kaso sa akin ‘yun. Kaya kung sasabihin na paborito, hindi ko masasabing paborito. Handa lang akong magtrabaho na walang arte,” paliwanag ng actor.
IT’S A BIG double celebration on July 15, Monday, 9 p.m. at Library, Mabini. Birthday bash ni Ms. Julie Bonifacio and concert show ni Ate Gay with friends. Magsasanib-puwersa ang mga stand-up comedian ng Library sa kanilang naiibang songs and laughters kaeksena si Ate Gay. Siyempre, babanatan nito ang mga pinasikat na awitin ni Ate Guy.
May kakaiba at kaabang-abang na spoof si Ate Gay para sa manonood na ikawiwindang raw natin. May mga gagawin ding interpretasyon through a song ang singer/comedian na naiiba, very original. Sinisiguro namin riot ito sa katatawanan dahil sa husay ni Ate Gay as a performer.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield