Ahron Villena, nag-sorry na kay Kakai Bautista; Si PDutz, hihingi rin kaya ng dispensa sa bayan?

Ahron Villena and Kakai Bautista

STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ng PDutz mo ngayong araw, July 24.

 
Sa kaganapang ito, magre-report siya sa taongbayan ng mga pangako na nagawa, mga pangakong sumablay at mga drawing na isinulat sa tubig na waley naman ginawa.
 
Sa mga PRO Duterte, I am sure, nakakabinging palakpakan sa bawat paragraph at mga binibitawang mga salita ng Presidente ng bansa ng mga bumoto sa kanya ay hari nawaý huwag siya mag-mura dahil tunay na nakakatawa at napapahiya ang mga Pilipino sa imahe ng president nila na barubal at walang breeding.
 
 Kasabay ng SONA na ginaganap ngayon sa kongreso, nagsama sa kalye ang mga PRO-PDutz at mga Anti-Duterte na patuloy pa rin lumalaban sa mga gawang walang saysay, mga pangako na napako at mga drawing sa tubig at mga kamalas-malasan na nangaganap ngayon sa pamumuno niya tulad ng giyera sa Marawi, ang mga walang saysay na patayan (EJK) sa mga suspected drug users at pushers; ang Martial Law sa Mindanao at pagpapalawig nito na may plano na ipatupad din sa Visayas at Luzon at marami pang iba.
 
Mabuti pa ang artista na si Ahron Villena sa pagra-rant niya sa “ex-girlfriend” na si Kakai Bautista tungkol ilusyong naging sila (ayon sa dalaga) na waley naman pala at never naging sila; ay humingi na ng dispensa ang binata sa nagawang pamamahiya niya kay Kakai sa kanyang social media account.
 
 Sa paliwang ng binata sa kanyang Twitter recently: “May mga ilan taong pumuna sa post ko. Karamihan dito mga hindi ko personal na kilala.
 
 “May mga ilang personal friends din naman who encouraged me to speak out kasi kilala nila kung sino ako. Mayroon din naman iba na nakisali na sa gulo.
 
Pagkakasulat niya sa Twiiter: “Yes, the words I used in an earlier post related to this matter are quite strong.
 
Ahron Villena

“But those were not intentional. I am angry, and the words that came out are those of an angry person,” paliwanang ni Ahron.

 
Dagdag pa niya:””I apologize if I became offensive but everything I said are true. Those where honest words of an angry guy meant to express one’s feeling but not to shame anybody, sabi niya.
 
Para sa lahat na gumagamit ng kapwa artista nila para sa promotion ng kanilang mga shows at mga ganap ay may huling punto ang binata sa ipinahayag sa kanya ni Kakai: “I refuse to let my reputation be abused by a person who finds it convenient to use me for the promotion of her upcoming show,” pagtatapos niya sa isyu.
 
At least si Ahron humingi na ng dispensa. So PDutz, ihihingi din kaya ng dispensa sa mga naging biktima ng EJK at sa mga nangyari na hindi naaayon at walang saysay?
 
At please lang, hindi na uso ang nagmumura. Pase’ na yan teh!

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleMIKE TAN visits Breathtaking Batanes!
Next articleKilig to the Max ang AshLloyd: Ang singsing ni John Lloyd Cruz para kay Sarah Geronimo

No posts to display