OLA CHIKA! ISA nga sa binansagang tupperware , plastik, orocan at kung anu-ano pang kaplastikan ang tinatawag ng karamihan na Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, at pati si Megastar Sharon Cuneta, naisama na rin. Hay, kaloka nga naman!
Sa pahayag ng comedy concert queen na idol niya si Ate Vi, isinilang siyang Vilmanian at mamatay siyang Vilmanian. At ngayon ngang nagkasama na sila ni Sharon sa pelikula, ang pahayag ng hitad ay isa siyang Sharonian. Kapal ng mukha nga naman, ‘no?!
Dahil sa pelikula, kung anik-anik nang gimik ang ginagawa para lumikha ng ingay. ‘Pag naipit, dawit ang ibang tao. Biruin n’yo, para walang magtampo na mga Vilmanian, at mga Sharonian, sina Ana Dizon na lang daw ang kanyang idol. Ngek! Ano, ‘yun? Bakit nabaling kay Ana?
Hay, naku! Pati ang Megastar, binansagan na ring tupperware o oracan. Bakit? Dahil nga sa nakikita ng karamihan na maganda lang ang ipinakikita nito sa TV, at halos down to earth. Ngunit nahahalata naman na pakitang tao lang ang mga ngiti. Ay, naku ha?
Nakarating lang sa akin ‘yan. Hindi ako ang nagkuwento. Kung ako, baka may masabi pa akong iba. Wala po akong galit sa Megastar, ngunit ipinararating ko lang ang sey ng ilan.
Kaya pati si Ate Guy, napasama pa. Kaya hindi yumayaman si Nora, dahil sa hindi ito mukhang pera at walang halong kaplastikan. Bukod pa sa magaling itong artista. Hindi lang sa pagkakaroon ng malaking parangal, mababa pa ang loob nito na hindi kaplastikan ang ipinakikita.
Naku, ha? Ang tupperware, sunugin mo man ng gasolina, tupperware pa rin. Iitim nga lang. Ganu’n din kaitim ang mga budhi? Hay!
DAHIL SA KAKAPALAN ng mukha sa pinaggagawa ni BB Gandanghari, hayun pati ang mga matitinong baklang propesyunal, mababa na ang tingin ng mga tao. At kahit saan magpunta, pinagtatawanan na. Kaya lahat ng bakla, matino man o parlorista, damay-damay na. Kahit simbahan, nag-reacty na rin.
Diyusku! Taon-taon na lang ganu’n ang nangyayari. Dapat nga naman sanag nirespeto ni BB ang Sagala na ginugunita lamang tuwing buwan ng Mayo.
Hindi ito para kung kumaway lang , kundi sa simbahan ito. ‘Wag gawing katatawanan. Tuloy, in stead na mag-concentrate ang mga tao sa prusisyon at pagdarasal, ayun, tampulan ng katatawanan at kutyaan. Dahil ang iniidolo ay siya mismo, guto niyang bastusin na lang nang ganoon.
Kaya nga ang nakarating sa akin mula sa aking parazzi girl, diring-diri sa kanya ang dating asawang si Carmina Villaroel. Hindi na kailangang i-memorize pa, dahil sa mata ng publiko, makikita ito.
Kung may natitira ka pang respeto sa sarili mo, irespeto mo. Masaya ka nga, pa’no naman ang nakapaligid sa ‘yong tao na nagmamahal sa ‘yo? Hindi lang sa pera kaya tinanggap mo ang Sagala, dapat pinag-isipan mo. Hindi sa sikat ka, kundi sa respeto. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding